#25: Not A Bad Thing | Part 4

11K 249 23
                                    

No I won't fill your mind with broken promises and wasted time.

"Happy Birthday Kuya Vice!!" bati ni Coleen at hinug si Vice pagpasok niya. "Thank you, paano niyo nalaman?" tanong ni Vice dahil nga hindi naman siya nagsabi kahit kanino na birthday niya ngayon. "Nachika ko lang kanina." sabi ni Coleen. Natawa nalang si Vice. 

Maya maya ay dumadating si Vhong, agad naman niyang niyakap si Vice. "Haberdey, Brad!" sabi nito. "Yung libre namin ha!" kantyaw pa ni Vice. "Libre ko kayo lunch mamaya." sabi naman ni Vice kaya napangiti si Coleen at Vhong. "Yun naman eh! Saan ba tayo?" tanong ni Coleen. 

"Kayo magdecide. Basta sama kayo samin ni Karylle, ha?" sabi ni Vice at ngumiti. "Kasama si Karylle?" tanong ni Vhong. Tumango si Vice at inantay ang magiging reaksyon ni Vhong pero hindi nalang nagreact si Vhong dahil birthday naman ng kaibigan. "Basta, libre mo Kuya ha!" sabi ni Coleen. 

-  -  -

Napagkasunduan nila na sa Shakey's na lang kumain since ito lang ang pinakamalapit na lugar para makakain sila ng pizza. "Karylle, si Vhong at Coleen." pakilala ni Vice. Nginitian lang ni Karylle ang dalawa at yumuko na dahil nahihiya siya. "Kilala niyo naman na si Karylle, hindi ba?" sabi ni Vice at tumingin sa mga kaibigan. 

"Oo naman. Tara na pasok na tayo." sabi ni Vhong. Before pumasok ay napansin ni Vice na hindi comfortable si Karylle. "May problema ba?" sabi ni Vice at inakbayan pa si Karylle at pinull siya closer as if he's genuinely concerned sa kaibigan. Ngumiti lang si Karylle. "Wala, eto naman." sabi pa niya and smiled.

When they finally go seated, agad silang umorder. Vhong is seated next to Coleen, then Vice next to Karylle. Alam ni Vice na awkward si Karylle dahil alam siguro nito na alam ni Vhong what happened in the past at pumayag lang ito na sumama dahil birthday niya at pinagbibigyan lang siya nito. "Hindi ba talaga kayo pwede mamaya?" tanong ni Vice para mawala ang awkward atmosphere. 

"Ako, hindi pwede alam mo na monthsary." sabi ni Vhong. "Eh ikaw, Choleng?" tanong ni Vice. "Hindi eh. Magkikita kami nung kaibigan ko eh. Sorry, Kuya Vice." sabi ni Coleen. "Kaibigan... si Billy yan no!" biro ni Vhong. "Hindi nga!!" sabi ni Coleen kaya natawa sila. Medyo naout of place naman si Karylle sa biruan ng tatlo. "Ikaw wala kang excuse sasama ka sakin ha." sabi ni Vice. Tumango lang si Karylle and smiled. 

Dumating na ang order nila kaya naman magiging busy sila sa pagkain. Pansin naman ni Vhong at Coleen ang sweetness ni Vice kay Karylle. Pati pagkuha ng pizza at paglagay sa plato nito ay siya ang gumagawa. "Para naman akong bata." sabi ni Karylle na natatawa. "Eh, baka sabihin ng Papa mo, ginugutom kita." sabi ni Vice. 

Kinwento ni Vice kina Vhong and Coleen 'yung pagpunta niya sa bahay nila Karylle and kung gaano kabait na anak si Karylle. At dahil babae si Coleen, ramdam niya na hindi lang naman ang kaibigan niya ang may gusto kay Karylle, alam niyang hindi man ramdam ni Vice ay gusto rin siya ni Karylle. 

"Sa sabado nga eh, usapan namin nung Papa niya, pagluluto ko siya ng kaldereta." bida pa ni Vice. "Oy kami din, dalan mo dito!" sabi naman ni Vhong. "Next time, next time." Vice said. "Seryoso ka ba doon, Vice?" sabi ni Karylle na finally ay sumali na sa usapan. "Oo naman. Ano yon ineechos ko lang Papa mo?" sabi ni Vice. "Hindi, hindi mo naman kasi kailangang..." Karylle said. 

"Gusto ko naman eh, ayaw mo ba?" tanong ni Vice na parang nagtatampo kay Karylle. "Para tong sira. Sorry na pagaawayan na naman ba natin to?" sabi ni Karylle na natatawa at the same time sinusuyo si Vice. Natawa lang si Vice sa sinabi ni Karylle at nagturn ulit kela Vhong para magkwento. "Palagi kaming nagaaway lagi niya kasi ako tinataboy. Masama ugali niyang si Karylle talaga." kwento ni Vice.

"Ah talaga? Eh ikaw nga to na sobrang sensitive." sumbat naman ni Karylle. "Anong sensitive?" sabi ni Vice at tinusok ang tagiliran ni Karylle dahilan para makiliti ito. Pabalik balik lang ang tingin ni Vhong at Coleen sa dalawa na ngayon ay naghaharutan sa harap nila. 

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now