EXTRA: Reasons Why I Love You | 3

8.4K 229 31
                                    

Reason # 9: You are the biggest kid I have ever known.

“Love, inaaway nila ko!” pabebeng sabi ni Vice habang nagtago sa likod ni Karylle. Nakita naman ni Karylle sina Vhong at Billy na nagapir pa kakatawa. “Si Vice na naman nakita niyo!” sermon ni Karylle kina Vhong.

Tinry naman ni Vhong na tigilan ang pagtawa and nagsalita, “Yung jowa mo kasi…. gaganti dapat kay Kuys Billy tapos pagbukas nung pinto si Direk pala yung lalabas…” Vhong said na halos di makahinga dahil sa kakatawa. “Pinaikot niyang ganito ung panyo oh… tapos pinitik niyang ganon..”

Pinipigilan naman ni Karylle ang matawa dahil parang mga bata si Vice na sinusumbong sa magulang ng mga kalaro. “Nagulat si Direk eh… pero mas nagulat si Vice!” dagdag ni Billy. Narinig pa ito ng iba pang hosts kaya natawa rin sila.

Hindi na rin napigilan ni Karylle kaya natawa siya. “Bakit pati ikaw tinatawanan ako?” tanong ni Vice at nagpout. “Ano ba sabi ni Direk?” tanong ni Karylle sa boyfriend. Napayuko naman si Vice na parang nahihiyang sabihin ang nangyari.

Umepal na ulit sina Vhong at sila ang nagkwento… “Syempre nagalit… tinamaan sa braso eh masakit ‘yon.” Nakidagdag pa ulit si Billy, “Tapos para daw bata kasi naglalaro pa ng ganon sa hallway.”

“Kayo naman kasi nagumpisa eh.” dahilan ni Vice na parang bata. Nacutan naman si Karylle kaya napatingin lang siya dito ng nakangiti. Nakita naman siya ni Vice kaya medyo napikon ito dahil akala niya ay pinagtatawanan pa din siya ni Karylle kaya lalo siyang napahiya.

Bigla bigla namang tumayo si Vice at naglakad palayo sakanila. Napatigil naman sila lahat at nagtaka. Automatic namang tumayo si Karylle at sinundan ito.

“Vice… pati sakin galit ka na ngayon?” tanong ni K. Huminto naman si Vice at hinarap si Karylle. “Nakakainis ka kasi eh… pati ikaw tinatawanan mo ko.”

"Nagbibiruan lang naman eh.” paliwanag ni Karylle.

“Yun na nga eh. Ineexpect mo kasi ako kakampihan mo tapos ending pati ikaw tinawanan mo ko.” 

“Hindi kita tinatawanan!” depensa ni Karylle pero natatawa talaga siya hanggang ngayon. “Anong hindi eh, ayan oh.” sabi naman ni Vice na seryosong seryoso.

“Natutuwa ako sa’yo. Hindi ako natatawa sa’yo.” paliwanag ni Karylle at hinawakan ang pisngi ni Vice at pinisil pisil pa ito. “Hindi mo ba alam kung gaano ka kacute kapag iniinis ka nila tapos ako yung tatakbuhan mo ha, Viceral? Hay… I love you!”

“Talaga? Wa ech?” tanong ni Vice. Tumango naman si K saka nagtiptoe para ikiss si Vice.

~

Reason # 10: I love how I'm actually scared of you. Is that weird? Nevermind, it's hard to explain.

“Hilong hilo na ko.” sabi ni Anne na kanina pa pinapanood si Karylle maglakad back and forth sa harap niya. Nasa rehearsals sila ngayon para sa production number para sa trade launch ng ABS.

“Can you keep a secret?” bulong ni Karylle at umupo sa tabi ni Anne. Tiningnan naman siya suspiciously ni Anne. She looked really worried kaya naman napahinga ng malalim si Anne at tumango.

“My ex… you know who…” Karylle said. Nanlaki naman ang mata ni Anne nang marinig ang sinabi ni Karylle. “Don’t tell me….” sabi pa niya. “Wait listen muna… nandito siya sa ABS… on the way here, nagkasalubong kami.”

“Nagpansinan kayo?” tanong ni Anne. Bakas na bakas naman ang worry ni Karylle, “Yes.. naghi siya eh wala na naman talaga ‘yung samin sakin so I said hi. Then, binati ko siya ng congratulations para sa wedding niya. Pero umalis din siya agad dahil may meeting lang naman siya para sa bago yatang movie that's why he's here.”

“Okay naman pala eh… anong problema?” tanong ni Anne.

“Just when we’re about to say goodbye. I saw Bernard…” Karylle narrated. “Cloma?” tanong ni Anne at tumango naman si Karylle then continued, “I’m just worried na baka mamisinterpret tapos makarating kay Vice. Kanina ko pa nga tinetext hindi naman sumasagot.”

“Girl, chill. I’m sure hindi naman basta basta magagalit si Vice nang hindi nalalaman yung side mo ‘no.” pagpapakalma ni Anne sa kaibigan. At parang kabute ay bigla nalang sumulpot si Vice at nagback hug pa kay Karylle.

Nagexcuse naman si Anne dahil naisip niya na baka tama ang hinala ni Karylle at nakwento na ni Bernard kay Vice. Tiningnan naman ni Karylle si Vice to check if galit ba ito or anything…. pero nakangiti lang ito sakanya na halatang in love na in love. 

“May sasabihin ako.” Karylle said and smiled nervously. Tumingin naman si Vice sa paligid at nang makita na wala namang ibang tao dahil water break ay umayos ng upo at hinawakan ang kamay ni Karylle. “Hindi ko alam kung nasabi na sayo ni Bernard pero kanina kasi nagkita kami ni…”

“Dingdong?” tanong ni Vice. Karylle nodded. Natawa naman si Vice sa sobrang pagkabalisa ni Karylle. “Kaya ba namamawis yung palad mo dahil don?” tanong ni Vice. “Hindi ka ba galit? Kasi hindi naman yata narinig ni Bernard usapan namin baka naman iba isipin noon tapos baka isipin mo…”

“Shhh….” sabi ni Vice. “I trust you, okay? At saka para namang di mo kilala ‘yong si Bernard syempre tatanungin noon kay Dingdong kung ano meron. At syempre naichika na din sakin. Tara nga dito.”

Yinakap naman ni Vice si Karylle, “His time is over ‘no. Akin ka na.” Natawa naman si Karylle at tiningnan si Vice, “You know? I realized na takot rin pala ako sayo. The feeling is mutual.” 

“Mas takot ako sa’yo kumander ka eh.” sabi ni Vice at ginulo ang buhok ni K.

Reason # 11: I love how I can wear the highest heels and still be shorter than you.

Tinapat naman ni Karylle ang kamay niya sa taas ng ulo niya at tinry na sukatin kung hanggang saan lang siya ni Vice. “Hanggang mata mo pa din ako… 5 inches na nga ‘tong heels ko.”

Natawa naman si Vice. “Ayaw mo noon?” tanong niya. Sumimangot naman si Karylle.

“Eh ang hirap kasing gawin nito eh…” Bigla naman siyang tumingkayad at kiniss si Vice nang matagal. Natawa naman si Karylle dahil natahimik bigla si Vice na kanina ay tinatawanan pa siya. “Ehhh di mo naman sinabi agad… kaya ko naman magadjust..” sabi ni Vice na yumuko para ikiss sa cheeks si Karylle.

 A/N: Umay na ba kayo sa Vicerylle landian? Hahaha =))) Happy 35th monthsary, babies! Special mention goesto sib Lyka. Smile na wag ka na sad. >:)< 

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now