#26: I'd Rather | Part IV

11K 270 20
                                    

I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself.

October 2017

"Sandali lang!" sigaw ni Vice ng may kumakatok sa pintuan ng condo niya. Kauuwi niya lang galing sa isang TVC shoot at sobrang katamaran ang tumama sakanya kaya natulog na lang siya. "Sandali lang sabi eh!" sigaw ulit ni Vice ng mas lumakas ang kalabog sa labas ng pinto niya. Sinilip muna niya kung sino ang kumakatok saka binuksan ang pintuan. 

"Ikaw lang pala!" sabi ni Vice sa dumating na bisita at iniwang bukas ang pinto, turning his back. "Hindi mo na kasi ako nireplyan!" sabi ng babae at umupo sa sofa katabi ni Vice. Umirap naman si Vice at hindi na lang sumagot. "Kamusta na?" tanong nito ng hindi pa din sumagot si Vice. 

"Wala. Walang bago." sabi lang ni Vice na parang naiinis na sa presence ng kaibigan. "Bakit ka ba nandito, Liz Uy?" masungit na tanong niya. "Eh, hindi ka nga nagrereply......" naputol naman ang sasabihin ni Liz ng may kumatok na naman. Nagkatinginan naman sila ni Vice saka tumayo si Vice na padabog sa dami ng may gustong sumadya pa sa unit niya para mangistorbo. 

"Sino naman kaya to?" sabi ni Vice bago buksan ang pinto. From the couch, nakatingin din si Liz sa pinto to see if sino ang bisita ni Vice. Nakita naman niya na nagulat si Vice ng makita kung sino ang nasa pinto. She also heard na may bata na nagsalita at yumakap sa binti ni Vice. 

"Karylle.." sabi ni Vice. Napatingin naman si Karylle kay Liz na sumunod sa likod ni Vice. "Vice, mauna na ko, yung vest na ginamit mo sa shoot. Kukunin ko lang naman talaga eh." sabi ni Liz kaya nagexcuse muna si Vice para kunin ang sinasabing vest ni Liz. Awkwardly, pumasok si Karylle sa loob ng unit ni Vice habang lakad ng lakad si Junjun sa sala.

"Mauna na ko, Vice, Karylle." sabi lang ni Liz and went out. Tahimik lang na nakaupo si Karylle sa sofa habang si Vice naman ay umupo sa floor kaya automatic na lumapit ang anak niya sa kanya. "I miss youuuu." sabi ni Vice habang binabaon ang baba niya sa leeg ni junjun kaya nakikiliti ang bata. 

"Sama bahay Papa?" tanong ni Junjun kaya natigilan si Vice at napatingin kay Karylle na nakatitig lang sakanila. "Gusto mo ba dito ka nalang kay Papa?" tanong ni Vice habang pinipisil ang pisngi ng anak. Umiling naman si Junjun. "Bakit? Akala ko ba miss mo na si Papa?" sabi ni Vice pero patuloy pa din ang pagiling ng bata. 

"Mama." sabi lang ng bata habang tumuturo kay Karylle. "Pero dito lagi mong makakalaro si Papa..." sabi ni Vice na parang wala sa same room si Karylle. Kumalas naman sakanya ang bata at tumakbo kay Karylle na pinipilit na huwag umiyak doon.

Bigla namang napansin ni Vice ang sugat sa siko ni Junjun. "Naano yung siko nyan?" tanong niya kay Karylle. "Nadapa sa labas ng bahay sa may garden." sabi ni Karylle habang inaayos ang polo ng anak. "Di ba doon din siya nakagat ng lamok?" tanong ni Vice. Hindi naman nagustuhan ni Karylle ang tono ni Vice. "Pinafumigate na ni Papa.." sabi lang ni Karylle. 

"Baka naman pinapabayaan mo lang maglaro to doon, eh pano kung di lang sugat ang nangyari dyan." sabi ni Vice habang chinecheck ang sugat ng anak sa may siko. "Hindi ko pinapabayaan yung anak ko." sabi ni Karylle. "Eh kung iwan mo na lang dito. Kukuha ko ng yaya niya para din makapagtrabaho ka...."

Hindi na pinatapos ni Karylle ang sasabihin ng asawa at hinawakan na niya ang braso ng bata at akmang hahatakin palabas. Sa tensyon na din siguro na naramdaman ng bata kaya umiyak.

"Teka lang!" sabi ni Vice sabay bawi sa kamay ng anak para di mailayo ni Karylle. "Gusto ko ding makasama yung anak ko." sabi ni Vice kaya napakunot ang noo ni Karylle. "Gusto mong iwan ko siya dito, para ano? Para makita niya na may kasamang iba ang Papa niya? Wag na, Vice kung gusto mo umuwi ka.."

Nagulat naman si Vice sa paratang sakanya ni Karylle. "Wala akong iba, K." Karylle smirked at umiling. "Sabi mo aalis ka para magisip, ganoon ba talaga magisip kailangan may kasama?" sumbat ni Karylle sabay hila sa anak.

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now