#28: Wanted

13.6K 293 37
                                    

You know I'd fall apart without you, I don't know how you do what you do. 'Cause everything that don't make sense about me, makes sense when I'm with you. Like everything that's green, girl, I need you but it's more than one and one makes two. Put aside the math and the logic of it, you gotta know you're wanted too. 

"Gandang gabi Kapamilya!" sigaw ni Vice as the camera started rolling. Naghiyawan naman ang audience ng "Gandang gabi, Vice."

"Yes naman sa energy!! Hindi ko na patatagalin pa dahil alam kong kilalang kilala niyo na ang guest ko for tonight." sabi ni Vice na sumisigaw na dahil hindi na rin niya marinig ang sarili niya sa sobrang ingay nang studio nung araw na 'yon. "Please welcome ang hinete ni Petra, ang kumander ni Praybeyt Benjamin, ang boss ni Totoy Bernice at ang nagpatibok sa puso ni Peter, ang nagiisang Binibining Kurba ko, Karylle!!"

"Ang haba naman nung intro..." sabi ni Karylle at lumabas na mula sa backstage. Natawa naman si Vice at nilapitan si Karylle para ibeso. "Parang mga tanga magkasama naman pumunta sa studio..." sabi pa ni Vice at umupo na. Kumaway si Karylle sa fans nila kaya mas lalong umingay sa studio.

"Kamusta naman? Namiss kita ha." sabi ni Vice na parang pinapakalma ang sarili dahil awkward na interviewhin niya ang girlfriend niya. "Oo nga eh, tagal nating di nagkita, mga 2 minutes... okay lang ikaw ba? Happy ka?" tanong ni Karylle kaya kinilig naman si Vice.

"Ha?" sabi ni Vice na sinusubukang wag kiligin. "Oo happy ako, sobra." dagdag nito ng magsink in ang sinabi ng guest niya. "Ikaw ba masaya ka ba? Teka may boyfriend ka ba ngayon? Para kasing blooming ka eh" tanong ni Vice na biglang nagseryoso kunwari ang mukha.

"Meron!!!!" sigaw nang mga fans nila. "Meron daw eh." sabi ni Karylle. "Parang baliw, hindi ka sure?" tanong ni Vice. "Hindi joke lang, may boyfriend ako..." sabi ni Karylle na sinakyan ang trip ni Vice.

"Pogi te?" baklang bakla na tanong ni Vice. "Pwede na..." seryosong sabi ni Karylle. "Showbiz ba 'to?" tanong ni Vice. "Oo artista, singer, song writer, producer ano pa ba? Racer?" sabi ni Karylle.

Pati si Vice ay hindi nagets ang point ni Karylle. "Racer?" Tumango lang si Karylle. "Oo siya yung pinangrarace..." sabi ni Karylle na natatawa na. "Ang gwapo ko na kaya, kabayo pa din?" turo ni Vice sa mukha niya na kunwari ay naoffend sa sinabi ni Karylle. "Ayy ikaw ba yung boyfriend ko... sorry, sorry!"

Sinubukan namang itago ni Vice ang kanyang kilig smile at binasa na ang questions sa prompter. "Ilang months na ba tayo?" tanong ni Vice na nakatingin lang ngayon kay Karylle. Nagbilang naman si Karylle, "Magseseven..." sagot ni Karylle.

"Ede six nagseven na ba? Paano pag nagbreak tayo mamaya? Huwag mong pangunahan." sabi ni Vice kaya natawa nalang sila. "Oo nga six. May problema ba tayo sa seven?" tanong ni Karylle.

Nagets naman ni Vice ang sinabi ni Karylle. "Hindi kaya... shet oo nga no. Karylle, move on."

"Disclaimer lang ha! Binabasa ko yung tanong ha, hindi sakin galing 'to." sabi ni Vice bago ulit magtanong. Sumigaw naman ang isang staff ng "Under!" na narinig ni Karylle kaya tumawa nalang sila.

"Since ngayon lang naman talaga tayo naginterview talaga simula nung maging tayo, kasi nga..." sabi ni Vice at biglang sumingit si Karylle. "Kwento mo bakit ako guest mo.." utos ni Karylle kaya kwento naman agad si Vice.

"Eh kasi nga start na ng world tour ko bukas." sabi ni Vice na kinikilig pa. "Last night ko to sa Pinas, eh taping! Para lang magkasama kami.. siya ginuest ko." kwento ni Vice.

"Tapos nung umayaw ako, anong sabi mo?" tanong ni Karylle kay Vice. Tiningnan naman siya ni Vice na parang sinasabi na 'subukan mong sabihin, lagot ka sakin mamaya'... "Sabi niya... sige pag hindi ka pumayag talaga, hindi na ko uuwi doon na ko sa US.." sabi pa ni Karylle kaya napangiti nalang si Vice.

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now