#30: Life Support- #3

5.4K 187 65
                                    


I've been waiting for an answer

Because I built this bed for two

I'm just hanging on your answer

I built this bed for me and you

Paglabas ni Yael ng pinto ng opisina ng psychologist napansin niya agad ang ilaw ng hallway na patay sindi.  After a while, saka lang niya narealize na wala na doon si Karylle. Sakto naman na may nagdaan na janitor, "Manong, may nakita ho ba kayo na babae dito?" tanong ni Yael. "Si Ma'am Karylle po? Yung sa Showtime?" patanong naman na sagot ng janitor. "Yes po, san po siya?"

Napakamot lang ng ulo ang janitor dahil about 2 minutes ago ay nakaupo pa doon si Karylle. "Nandyan lang po siya kanina eh, kinuha ko lang po 'yung basura sa loob nitong ward paglabas ko wala na siya."

Agad namang nagthank you si Yael sa kausap at nagmadaling lumabas at baka nga nandoon lang si Karylle. "Nakita niyo po ba si Karylle?" tanong niya sa guard.

Kamot lang din sa ulo ang sagot nito. Napansin naman ni Yael ang mainit na kapeng hawak nito. "Kakakuha ko lang po kasi ng kape eh, di ko po napansin..." nagaalinlangang sagot nito na takot mapagalitan dahil sa pagalis sa pwesto. Hindi naman na nagawang magalit ni Yael dahil hindi naman yon ang importante as of now. He tried looking around the building pati parking lot chineck na niya pero walang Karylle.

After almost an hour of looking, he decided to call Anne para magtanong pero wala rin itong idea kung nasaan ang kaibigan. Tinawagan na niya ang lahat ng pwedeng puntahan ni Karylle pero wala pa ding signs of Karylle.

***

"Bakit sobrang layo nitong kotse mo?" hingal na hingal na tanong ni Karylle kay Vice. Halos 20 minutes yata ang nilakad nila mula sa hospital hanggang sa sasakyan ni Vice. "Meron namang parking doon sa tapat ha?"

"Naninigurado lang." sagot naman ni Vice. Hinawakan naman ni Karylle ang magkabilang pisngi ni Vice. "We don't have to hide, you know? Alam na ni Yael. Walang psychologist ang magpapabago ng nararamdaman ko o kahit albularyo pa. I'm in love with you and I want to be with you."

Nakita naman ni Vice ang pagbago ng expression sa mukha ni Karylle. It was a mixture of pain and confusion. "Something wrong?" Vice asked. Umiling naman si Karylle and tried to hide it with a smile, "They told me you were gone. They made me believe na naiimagine lang kita pati sina Billy... Bakit ganoon nalang nila ko gusto mailayo sayo?"

Hindi naman agad nakapagsalita si Vice habang si Karylle naman ay napasandal lang sa kotse... "Karylle......Tama..." Vice tried to explain pero agad siyang hinalikan ni Karylle. Pumikit nalang siya at hinayaan si Karylle na halikan siya. Una namang bumitiw si Karylle sa pag mamake out nila at napayuko.

"Sorry." agad na sabi ni Karylle. "Gusto ko lang patunayan sa sarili ko na nandyan ka talaga sa harap ko.... It can really be confusing. Baka nga nababaliw na talaga ako."

Napailing naman si Vice at hinawi ang buhok ni Karylle para halikan ito muli ng mabilis sa labi then sa noo. Yumakap naman si Karylle sakanya nang sobrang higpit.

"I'm sorry." bulong ni Vice sa buhok ni Karylle kaya halos hindi naman siya narinig nito.

***

Habang si Yael ay nagiikot ikot sa mga possible places na puntahan ni Karylle, sina Anne, Billy and Vhong naman ay nasa hospital kung saan huling nakita ang kaibigan nila. They are now trying to access ang CCTV footage ng hospital to know if magisa bang umalis si Karylle or not.

Kitang kita sa footage na nakaupo lang si Karylle magisa sa labas ng office ni Marian. After about 10 minutes, biglang may tumawag sa phone nito at agad naman niyang sinagot, tumingin lang siya sa side niya ng biglang nagstatic ang video...

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now