#24: Unconditionally | Part 4

13.1K 268 37
                                    

So open up your heart and just let it begin. Open up your heart and just let it begin. 

"Hi Buern." bati ni Karylle kay Buern. Nagulat naman si Buern and napaisip if may kailangan siyang gawin for Anne's wedding pero sa pagkakaalala niya ay bukas pa ang look test nila.  "Karylle, napadaan ka?" he said. "Upo ka muna." 

"Hindi, wag na." Karylle said and smiled. Nanibago naman si Buern dahil parang may something sa ngiti ni Karylle. "Mukhang masaya ka ngayon ah." comment naman ni Buern. Napataas naman ang kilay ni Karylle and tried to show a straight face pero hindi niya talaga mapigilan ang ngumiti. 

"Nandito ba si Vice?" K said na nahihiya. Nahihiya talaga siyang hanapin si Vice dito sa office nila ngayon pero wala siyang choice dahil wala naman siyang number ng kaibigan. The last time na magkasama sila she remembered na binigay niya ang number niya kay Vice para sa bar reservation niya but he never texted her kaya naman 'di niya nasave ang number ng kaibigan. 

She didn't notice kung gaano katensed si Buern ngayon dahil hindi niya alam ang sasabihin kay Karylle dahil na din baka mahalata si Vice ng dahil sakanya. Nagiisip pa lang siya nang sasabihin ng biglang dumating si Archie na parang narinig lahat ang pinaguusapan nila ni Karylle, "Si Vice?" sabi pa nito. "Di ba kasama mo?" 

Napafacepalm nalang si Buern ng pasimple sa sinabi ni Archie. Umiling si Karylle and said, "No, I was with a friend." sabi niya, smiling. Act natural, Buern. paalala ni Buern sa sarili and said, "Ano ka ba Archie, hindi ba nga nagpaalam si Vice na magpapahinga daw siya ngayong gabi?" Pinandilatan niya ng kaunti si Archie.Nagets naman agad ni Archie, luckily, ang ibig iparating ni Buern kaya naman umagree nalang siya and kept his mouth shut. Nadisappoint naman si Karylle dahil gusto niya talaga balitaan si Vice with what happened. "Pahingi nalang ng number niya, pwede?" she asked. 

Tumango si Buern kaya inabot ni Karylle ang cellphone niya kay Buern. He copied Vice's digits sa phone niya ng may biglang may suggestion na lumabas sa phone ni Karylle na nakaregister na sa phone niya ang number ni Vice with the name na 'JM'. Mabilis namang dinelete ni Buern ang digits and decided na ilagay nalang ang number niya dahil hindi naman ito nakasave sa phone ni Karylle. He named it Vice. 

"Thanks!" sabi ni Karylle at kinuha ang kanyang phone mula kay Buern. "I'll go ahead. See you tomorrow!" 

"Ingat, te." sabi ni Archie at nagsigh na parang nabunutan na rin sila ng tinik sa pagalis ni Karylle. Buern went back to work sa pagcontact sa isang client ng biglang magring ang phone niya. "Agad agad?" he said and panicked.  He declined the call and dinial agad ang phone ni Vice. 

"Nasaan ka ba?!" Buern asked na may halong pagpapanic sa boses nito. Nabahala naman si Vice dahil nga parang may humahabol kay Buern na ewan by the sound of his voice on the other line. "Nasa bahay nagdidinner... bakit?" he asked, in his head, he's starting to think where his car keys are dahil parang nasa emergency itong si Buern. 

"Pumunta dito si Karylle." Buern narrated. "Then, hinanap si Vice. Sabi ko wala ka dito, nagpapahinga. Hiningi number mo, binigay ko... pero nakasave na pala yung number mo sakanya as JM. So, ginawa ko binigay ko number ko not knowing she'll call you pagkalabas na pagkalabas ng office. Nakakstress. Kung ayaw mong magmukhang snob, pumunta ka na dito, wakla!!"  

Medyo natagalan bago magets ni Vice ang sinabi ni Buern dahil medyo kinabahan na din siya na baka magkagulo na dahil sa mga pagsisinungaling niya. Hindi na niya naubos ang nilutong corned beef. He ran to his room and grabbed everything he needed at nagdrive na papunta sa opisina nila. 

--- 

"Tumigil na sa pagtawag." sabi ni Buern pagdating ni Vice. They were getting ready to go home. Wala na din masyadong tao sa building ngayon dahil 8pm na. "Patawag naman 'te." sabi ni Vice na halos magmakaawa na sa harap ni Buern dahil kilala niya ang kaibigan, may pagkamasungit. "Papaloadan kita bukas talaga. Doble kung magkano magastos ko." sabi nI Vice. Irap lang naman ang sagot sakanya ni Buern. 

ViceRylle One ShotsOnde histórias criam vida. Descubra agora