#27: What You Wanted | Part III

6.3K 191 18
                                    

I'll let your fields burn around me, around me.

"Hindi mo sinabi sakin about your date..." sabi ni Mama habang tinutulungan ako with my hair. "Kanino mo nalaman?" tanong ko. "Pumunta siya dito the other day nasa kwarto ka, hindi na kita tinawag kasi sabi niya ako daw naman talaga pinunta niya. Mukhang may magbabalikan ah..." she said and smiled na parang nangiinis. Ugh, pati ba naman si Mama?

"Ma... paano naman mangyayari yon, eh 3 months nalang..." sabi ko pero di ko tinuloy. Para kasing babara sa lalamunan ko yung mga salitang 'yon everytime na sinusubukan kong sabihin. "Magusap nga tayo, ano ba talagang gusto mo?" tanong ni Mama, napataas lang ang balikat ko. "Computer Science sa UP, Business Management sa Ateneo o yung Music degree sa Yale?" she asked kaya mas lalo ata akong napressure. "You know I'll support you kahit anong mangyari kahit imanage ko pa yung business from US, I'll do it." she said saktong pagtapos ng buhok ko.

I knew I couldn't answer ngayon kaya I stood and hugged her. "Thanks Ma..." I said, still not answering her question. "Okay hindi na kita kukulitin ngayon, pero hanggang Sunday na deadline mo sa pagdecide, Karylle." she said and tumango nalang ako sa balikat niya.

"Wala ka bang date, Ma? Valentine's ngayon oh..." I said changing the topic. Nagpull away naman siya sa hug and checked if I was serious. Kinurot pa niya ang tagiliran ko and giggled, "If hindi mo ko ginawang make up artist and hair stylist mo today baka meron..." she said and it's my turn to check if she was dead serious.

Natawa naman siya sa biglaan kong pagpanic sa sagot niya, "Joke lang, walang date date.." she said. "Okay lang naman sakin eh." I said pero parang hindi siya naniwala siguro dahil hindi rin kapanipaniwala yung sinabi ko. "Ikaw ang may date ngayon.." sabi niya. "Ma, hindi yon date and besides paano magiging date yon e ikaw nagbayad noon, kasama kaya yon sa tuition fee namin!" I pointed out.

Bigla namang may nagdoor bell kaya I took a quick glance sa salamin napansin siguro ni Mama kaya she held my shoulders and looked at me through the mirror, "You look so beautiful, K." she said kaya naman napasmile na ko.

Paglabas ko ng kwarto nandoon na si Manang kasama si Dingdong na nakasuit and tie... at talagang sineryoso niya yung pagmatch ng tie niya sa dress ko. "Hindi mo naman kailangang..." sabi ko pagkaabot niya ng flowers... "Sobrang ganda mo, Karylle." he said, hindi ko naman mapigilan mapangiti sa sinabi niya. Nakita ko naman si Mama na nakatingin sakin na parang nanunukso.

"Good afternoon po, Ms. Z." bati ni Dingdong kay Mama with matching bow pa, halatang kinabahan eh. "Alam mo na rules ha." sabi ni Mama kay Dingdong. Sumagot naman siya ng tango at ng kinakabahang ngiti. "Oo naman po." sagot niya.

*  *  *  *

"Kinakabahan ka ba?" tanong niya sakin ng nasa kotse kami papunta sa venue ng prom. Umiling nalang ako para itanggi ang sinabi niya kahit na ramdam na ramdam ko ang pangangatog ng binti ko. "Eh bakit di ka makangiti?" he asked kaya pinilit kong ngumiti.

"Okay na? Happy?" tanong ko sakanya. "Kasama kita eh, syempre happy." he said kaya kahit papaano ay nawala ang kaba ko. "Corny ka pa din." I said. "Mabilis ka pa ding kiligin." sagot naman niya. Tinaas ko naman ang kilay ko at sumagot, "Hindi totoo."

"Eh bakit parang kumapal 'yang blush on mo?" tanong niya kaya pakiramdam ko mas lalo akong namula.

*  *  *  *

Medyo traffic sa place kaya natagalan bago kami madrop off ng driver ni Dingdong doon sa entrance ng venue. May mga third year pang nasa labas ng venue malamang ay nagaantayan. Dumiretso naman na kami since medyo mainit dahil may araw pa ng kaunti. 

"Do you want to sit with them?" tanong sakin ni Dingdong. And kahit na ayaw kong humawak sa braso niya ngayon ay wala akong choice dahil nahihirapan akong magbalance sa high heels ko. "Kanino?" tanong ko at tumingin sa tables saka ko nakita si Anne, Vhong, Billy, Nikki and Vice na nakaupo sa isang table. Sasagot pa lang sana ko na huwag nalang pero biglang nakita ko ni Anne and stood up para batiin ako.

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now