#26: I'd Rather | Part I

11.9K 200 20
                                    

I thought sometime alone was what we really needed. You said this time would hurt more than it helps but I couldn't see that.I thought it was the end of a beautiful story and so I left the one I loved at home to be alone.

August 2017

"Vice Ganda, hiwalay na nga ba sa asawang si Karylle? Vice Ganda, haharap sa matatapang na tanong ng madlang pipol, live on The Buzz!" sabi ng boses sa vtr. Huminga naman ng malalim si Vice at as if on cue sa paglive ng camera ay nagflash ng matamis na ngiti. 

"Vice Ganda, welcome to the program." sabi ni Boy Abunda kaya nagpalakpakan ang audience. "Good afternoon, Tito Boy. Good afternoon po." bati ni Vice. "Ang bigat nung vtr no?" tanong kay Vice. Napataas nalang ang kilay niya at nagflash ng ngiti as if trying to show na okay siya ngayon. 

"I don't know where to start, pero I will try my best." sabi ulit ni Tito Boy. "Take me back, three years ago... " 

Napakamot ng ulo si Vice bago sumagot. "Teka lang naman.." Vice said and laughed para mawala ang tension na namumuo sa studio. Nakita naman ni Tito Boy ang pagseseryoso sa mukha ni Vice and pain in his eyes when he tried to recall that moment. "Ang daming issues na hindi nasagot, isa na doon ang ikaw ba ang dahilan bakit hindi natuloy ang kasal ni Karylle at Yael noon?" tanong ni Tito Boy ng diretso. 

"Siguro..." sabi lang ni Vice habang tumatango tango. "By siguro? Ibig sabihin hindi mo alam? Hindi ka sure?" usisa pa sakanya. At this point, parang gustong gusto na niyang umatras pero naisip niya ang rason niya sa pagpayag ng tell all interview na ito. Tumango nalang siya, thinking the consequences ng mga sasabihin niya.

"Bakit sa US at bakit biglaan?" Tito Boy asked. "Yung kasal?" Vice asked at umupo ng maayos. "September of 2014, nagshow ang Showtime Family sa San Francisco, 3 leg yung concert eh, so parang 1 week kami doon." Vice recalled. "The proposal at yung kasal doon naganap... hindi ko pinlano, nangyari nalang." 

"Kayo na noon?" 

"Syempre naman po." Vice said and tried to force a laugh. "Pero we had our reasons why we kept everything private. Kung bakit kami nagdeny. Basta, basta." 

"Another issue... di umano, buntis si Karylle that time kaya nagpakasal sa US?" 

"May nakita ba kayong lumabas?" sabi ni Vice sarcastically kaya natawa ang mga nasa studio. "Hindi ho totoo." 

"Let's talk about the present. Vice, diretsahang tanong, hiwalay na nga ba kayo ni Karylle... oo o hindi?" 

Vice paused for a moment and looked down. "Dalawang linggo na po kaming di naguusap."

"May we know why?" Tito Boy asked, leaning forward trying to get more information from Vice.

"May pinagawayan po kami." Vice answered. "Away magasawa ba ito?" tanong ni Boy Abunda kaya umandar ang pagkapilosopo ni Vice. "Hindi ho. Away magkapitbahay." at sa pagkakasabi ni Vice ay nagtawanan ang mga naroon sa studio.

"Joke lang po. Uhm, ang hirap iexplain eh. Pero hindi ako magppretend na optimistic ako sa relasyon namin." Vice said.

"But you're still living together hindi ba?"

Umiling si Vice. "Kasama niya si Junjun sa bahay. I'm staying somwhere else muna." Nagnod naman si Boy before asking, "How old is Junjun?"

"He's turning 2 sa December." Vice said and turned a bit emotional ng mapagusapan ang kanilang anak.

"Your relationship with your son, kamusta?"

"We are okay, ayokong lumaki yung anak ko na walang ama. Kahit anong mangyari, hindi ko naman tatakasan 'yung responsibility ko sa bata. Wala siyang kinalaman sa nangyayari samin ni K at the moment." Vice said as he's wiping his tears.

ViceRylle One ShotsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum