#18: May I

24K 297 57
                                    

There you stand, opened heart, opened doors full of life with a world that's wanting more.

 “So Vice and Karylle, kayo na ba? Are you two together?" Tanong ni Boy Abunda sa kanilang dalawa. Vice reached for Karylle’s hand and smiled. “So, that means?”

“Yes po. We’re in a relationship.” Vice said. Iba’t iba naman ang reaksyon sa studio… syempre nagwala ang mga ViceRylle babies na nandoon, nagulat ang iba dahil syempre kilalang gay comedian si Vice at si Karylle naman ay kagagaling lang sa breakup with Yael.

“Since when?” follow-up na tanong ni Tito Boy sakanila. Napangiti naman si Vice kay Karylle. Pinisil naman kaunti ni K ang kamay ni Vice na nakahawak pa din naman sa kamay niya. “May mga bagay na sa amin na lang ni Karylle.”

“Okay, we get that, we respect that. K, kwentuhan mo kami. Paano nanligaw ang isang Vice Ganda?” kinikilig na tanong ni Tito Boy sa dalawa. Nagloosen naman ng kaunti ang kanilang kamay. “I mean it’s not everyday na may isang out na bakla na nagbalik loob ng dahil sa love… di ba?”

“Syempre… syempre pasabog, Tito Boy. Si Vice ‘yan eh!” Napataas naman ng kilay si Vice na halatang kinikilig sa sinabi ni Karylle. Tito Boy then turned to Vice and asked, “Ikaw, Vice… what made you realize na “Yes. I’m in love with Karylle.”?

Ngumiti naman si Vice – that kilig smile he’d flash kapag si K na ang kausap o kapag si K na ang pinaguusapan. “Hmmm… siguro ‘yung feelings… I don’t know? Matagal ng nandoon, I’ve said it before, hunghang lang ang lalaking ‘di magugustuhan si Karylle. Pero ‘yung nagsink-in alam mo ‘yon… walang exact date, ‘yung parang one day narealize ko, I want to be with this woman.”

Napa-“Aww” naman si Tito Boy at ang audience. “You look so in love. Kayong dalawa.” Karylle smirked while Vice was obviously blushing. I wish. K thought.

“Do you have a message for Karylle?” hirit ni Tito Boy. Everyone kept quiet at that point. Lahat nakaabang sa sasabihin ni Vice. Vice looked at K and smiled. He playfully held her chin para paharapin ito sakanya.

“I may not be the best boyfriend… madami akong flaws you know that but I can promise you na from this moment on kahit anong mangyari.” Vice squeezed her hand and paused. Kahit siya kinikilig sa pinagsasabi niya. Karylle just looked at him, listening to every word he is saying. “Ikaw pa rin ang buhay ko. ‘Di ako mawawala sa’yo. I love you.”

After kumalma ng audience si Karylle naman ang hiningan ng message ni Tito Boy. “Ano pa bang masasabi ko eh pang wedding vows ‘yung sinabi mo.” Then she pushed Vice’s arm lightly. “I just want to say how thankful I am na nandyan ka. Palagi mo lang tatandaan na, we’re in this together. I’ll stick with you. And ano…. I love you too, Pogi.”

“Stay happy and in love.” Pagtatapos ni Boy sa interview na ‘yon. Tumango naman si Vice at Karylle. “One last question, since naconfirm niyo na naman that you’re in a relationship… that pic na kumakalat sa internet, kayo ba yung nasa picture?”

Vice looked at K and then ang audience, then kay Karylle ulit then finally he answered “Uhm, yes we went out nasa parking lot ng bar.. we didn’t know…”

“Wala namang masama, I think.” Putol ni Boy sa paliwanag ni Vice. “I don’t think you owe anyone any explanation.”

“Oo naman katulad ng sinasabi ko noon, they can say whatever they want to say pero may mga bagay na kami lang ni K ang nagkakaintindihan.” Vice said smiling.

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now