EXTRA: Reasons Why I Love You | 2

8.6K 209 26
                                    

Reason # 5: You always bring me flowers ... just like you promised me to.

"Kakalapag lang nung eroplano. I'll see you in a few." Vice said over the phone at syempre tinawagan niya agad si Karylle.. "Kumain ka na ba?" tanong naman ni Karylle. "Hindi pa nga eh... baka magtake out nalang..."

"Dito ka na kumain." sagot naman ni Karylle without letting him finish. Naisip naman ni Vice na mahihirapan pa si Karylle kung ipagluluto siya, "De wag na, alam ko namang oras na nang tulog mo eh." he said pero K insisted, "Ah basta magpprepare ako ha, dito ka kakain. Sige na, bye." she said then ended the call.

Kahit naman antok na antok na si Karylle ay bumangon ito to prepare something. Natapos na siya pero wala pa din si Vice. She tried to stay awake at nanuod nalang ng TV. Pero super late na talaga for her kaya naman maya maya ay nakatulog na rin siya.

It's almost 3 in the morning nang magising siya dahil may humalik sa pisngi niya. Pagdilat niya nakita niya si Vice na tinatakpan pa ang mukha with a bouquet of flowers.

Napangiti naman siya saka hinawi ang flowers para ikiss ang boyfriend niya. "Sorry... nahirapan ako makahanap ng flowers nang ganito kalate eh." he said. Napailing naman si Karylle na cute na cute kay Vice ngayon. Inabot naman ni Vice ang flowers kaya mas lalong kinilig si K.

"Kain ka na?" she asked. Nagisip naman si Vice at tumabi kay Karylle... "Pwede bang mamaya na? Parang namiss kita eh." he said saka niyakap si Karylle ng sobrang higpit.

~

Reason # 6 : How I miss you the second you leave. And even before, sometimes.

"Abangan niyo mamaya kung may mananalo na ba nang isang milyon." Billy read sa prompter. Vhong added, "Uy may Isang Tanong, Isang Milyon!! Favorite 'yan ni Vice at Karylle!"

Natawa naman sila saka nagcue na for comercial break. Umakbay naman si Vice kay Karylle habang pabalik sila ng backstage. May sarili na naman silang mundo doon habang nagkakainan at nagiinisan ang iba pang Showtime hosts.

"Karylle, samahan mo na kasi ako." pangungulit ni Anne kay Karylle na kanina pa nagpapasama sa dressing room. "Bakit ba kailangan kasama si K?" tanong ni Vice. "Siya ba magreretouch sayo?"

"Gusto ko lang naman ng chika eh." sabi ni Anne at nagpout. "Papakwento ka na naman about me. Bet mo talaga ko, Anne Curtis." sabi ni Vice at pasimpleng yumakap sa girlfriend.

"Eh ikaw? Bakit kailangan ganyang kahigpit ang yakap kay K?" sita naman ni Jhong kay Vice. Dineadma niya lang ito at nakayakap pa din kay Karylle. "Mamimiss ko kaya 'to..." he said.

"Bakit brad may raket ka na naman out of town?" tanong ni Vhong. Umiling naman si Vice at natawa slightly si Karylle. "Out of the country?" follow up question ni Billy. Umiling naman uli si Vice.

"Bakit mo siya mamimiss?" tanong ni Anne. "Sa Isang Tanong, Isang Milyon..." paliwanag ni Vice. Napahawak naman sa noo ang mga kasama nila. "Ang clingy, grabe!!!" reklamo nila.

Bumelat naman si Vice sa mga 'to at hinigpitan lang ang yakap sa girlfriend.

~

Reason # 7: I love the feeling I get whenever I see you with kids. Then, I would daydream about having a family with you.

"Kurba, meet my little girl friend, Atalie." sabi ni Vice habang buhat buhat ang isang 5 year old na bata. "Atalie this is Ate K.." Vice introduced.

"Is she your girlfriend?" tanong ng bata innocently. Natawa naman sina Vice and Karylle. Vice nodded and whispered sa tenga ng bata, "She is my girlfriend pero someday papakasalan ko 'yan."

Naglight up naman ang mata ng bata kaya nacurious si Karylle. "Uy kayo ha, may secret kayo ha." sita nito sa dalawa. Binaba naman ni Vice si Atalie kaya lumapit ito kay Karylle. Umupo si K para magkaheight na sila ng bata.

"What did Tito Vice tell you?" she asked. Natawa naman si Vice na pinapanood lang sila. Umiling shyly ang bata saka hinawakan ang curly hair ni Karylle na nakalugay ngayon. "Look, we have the same hair." sabi ng bata saka pinakita kay K ang buhok niya.

Natuwa naman si K at kinandong ang bata. "I like your hair." sabi pa nito at patuloy na hinawakan ang buhok ni Karylle. Vice kept on taking stolen pictures ng dalawa. "I like your hair, too." Karylle said at inayos ang buhok ng bata.

"Now that we have the same hair.... tell me what Tito Vice whispered sayo kanina." bulong ni Karylle sa bata. Napaisip naman si Atalie kung sasabihin ba niya ito o hindi... "Come on, tell me. Ako bahala dyan..." Karylle said.

"Uhm..." Lumapit naman si Atalie kay Karylle para bumulong sa tenga nito. "He said you are his girlfriend... and... and that someday he'll marry you." sabi nito saka tumalon from her lap at bumalik sa paglalaro ng kitchen set na regalo ni Vice sakanya.

Napangiti naman si Karylle na nakita ni Vice, "Sinabi sayo?" tanong ni Vice. Karylle nodded. Vice dragged his chair sa tabi ni Karylle at pinanood din si Atalie na naglalaro sa harap nila. He reached for K's hand and kissed the back of her hand.

"Someday." he promised.

~

Reason # 8: We changed each other for the better.

"Hindi na ko masyadong umiinom... "

"Hindi na ko masyadong kuripot...."

"Kumakain at natutulog na ko on time..."

"Hindi na ko palaging tulala o kaya malalim masyado lagi yung iniisip..."

"Nahawa mo na ko sa pagtulong sa charity..."

"Nahawa na ko sa kahaveyan mo.."

"Pero sakang ka pa din...."

"Pero mas makinis pa din ako sayo..."

"Pero kulot ka pa din..."

"At least may buhok..."

"Ang dami dami nang nagbago 'no?" Vice said at pinaglaruan ang buhok ni Karylle.

Sumandal naman si Karylle sa balikat ni Vice at pumikit. Ramdam na ramdam kung saan sila nakaupo ngayon ang malamig na hangin ng Tagaytay.

"One year down, forever to go.Tayo talaga magpapatunay ng forever." Vice said at natawa sa sarili.

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now