#26: I'd Rather | Part II

9.6K 201 9
                                    

I'd rather have bad times with you, than good times with someone else. I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself. 

August 2017

"Akala namin mabubulok na kami sa labas." sabi ni Billy na umupo na sa may hallway, katapat ng pintuan ng unit ni Vice. He got up at pinagpag ang pantalon niya. "So, ikaw yung nasa picture?" tanong ni Vhong na parang di talaga natutuwa sa mga ginagawa ni Vice. 

"Pinadala kayo ni Anning, no?" sabi lang ni Vice na natatawa sa pagdating ng dalawa ngayon. "Bestie, hindi na mapakali yung asawa mo." sabi ni Billy at hinawakan si Vice sa balikat na parang pinapangaralan. 

"Kung sesermonan niyo lang ako, wag nalang. Kota na ko sa Nanay ko simula nung Buzz interview." sabi ni Vice at pumasok sa loob at iniwan ang pintong nakabukas kaya sumunod sila Billy kay Vice sa harap ng TV. Inagaw naman ni Vhong ang remote kay Vice at pinatay ang TV para makausap ng maayos si Vice. 

"Yung anak mo, paano?" sabi ni Vhong. Napailing nalang si Vice at sinusubukang icontrol ang init ng ulo niya. "Bigyan niyo ko ng time... " Vice said at naglook away sa titig sakanya ng dalawang kaibigan. "Pero talaga bang kailangang lumabas ka gabi gabi? Yung sa picture na nasa Fashion Pulis... ikaw ba yon?" tanong ni Billy. 

Tumango lang si Vice at hinayaan na lang sermonan siya ng dalawa tutal sanay na naman siyang sisihin ng lahat. "Vice.... nakikipagdate ka ba sa iba? Ano bang plano mo?" sabi ni Vhong.

"Wala akong plano, okay?" sabi ni Vice na punong puno ng pagpipigil ang tono. "Ikaw na rin nagsabi sa TV di ba? Hindi na lang kayo ni Karylle ngayon. Nandyan na yung anak niyo, Bestie!"

Vice smiled sarcastically. "Ano ba sa tingin niyo na enjoy enjoy ako dito?! Akala niyo ba madali na nandito ko ngayon at wala sa bahay? Kung kaya ko naman uuwi ako!" Natahimik ang dalawa pero hindi naconvince si Vhong. "Pinapahirap mo lang yung sitwasyon, Kuys. Ang dapat sa problema niyo ni Karylle, pinaguusapan. Hindi ganito..." 

"Paano kung wala na kong nararamdaman para kay Karylle?" tanong ni Vice na ikinagulat ni Billy at Vhong. "Galit ka pero I'm sure, Vice..." Billy tried to explain, hoping na bawiin ni Vice ang sinabi niya. "Gulong gulo na ko, namimiss ko yung anak ko. Hindi ako okay."

-  -  -

"Ayoko, Direk. Palit nalang kami ni Coleen. Sila na lang ang main host. Makakapagpatawa naman ako kasama ni Kuya Kim sa madlang people." pakiusap ni Vice sa meeting nila para sa re-launching ng Mini Me Season 3.  

"Hindi magclick." sabi lang ni Direk na walang planong mag give in sa request ni Vice dahil alam niya ang totoong dahilan ng pagtanggi nito. "Nung summer mo pa nirerequest 'tong segment na 'to... tapos ngayon ayaw mo." sabi ni Anne na naiinis na din sa pagiging irrational ng kaibigan. "Yun nga eh! Hindi naman summer, sinong sasali?" sabi pa ni Vice na medyo napikon kay Anne. 

"Problema na namin yon." sabi ng isang staff na hindi napigilan na magvoice out ng inis niya. Hassle din kasi sakanila ang gusto ni Vice dahil kailangan na naman nilang magadjust. "Ayoko ng bata..." sabi ni Vice para nalang matapos na. "Alam niyo naman pinagdadaanan ko, eh." 

"Then, haggang kailan kami magaadjust for you? Kung gugustuhin naman kakayaning gawan ng paraan yang problema mo eh. Pero you and your pride..." talak ni Anne. Sinubukan namang wag nalang magreact ni Vice at nagtext kunwari. Kilala niya si Anne, hindi naman ito makikinig sakanya. Alam din niya na Team Karylle ang lahat ng tao doon sa studio na parang si Vice talaga ang may kasalanan ng lahat. 

"Anne, tama na.." saway ni Direk. "Alam mo bang hinahanap ka nung anak mo sakin? Ha, Viceral?" patuloy ni Anne na parang di narinig ang pananaway ni Direk. Tumayo pa ito at humarap kay Vice. Sinubukang umawat ni Billy pero masyado ang inis ni Anne. 

ViceRylle One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon