EXTRA: Reasons Why I Love You

10.8K 217 15
                                    

((Inspired by THE pamlegs‘  Little Things)) 

Reason # 1: Throughout the night, we fight for the covers.

“Love, yung kumot… ano ba.” Karylle said while pulling the blanket para matakpan ang legs niya. Si Vice naman na tulog na tulog ay walang narinig. She tried her best na hilahin ang kumot na dinadagnan ni Vice pero masyadong mabigat ang boyfriend niya.

She was left with no choice kung hindi gisingin si Vice. Pinalo niya ito twice sa braso pero gumalaw lang ito at tumalikod sakanya. Pinalo niya ulit ‘to sa braso and warned him, “Ihuhulog kita sa kama, isa pa!”

Napakamot naman si Vice and wala sa sariling dumilat. “Ano bang problema? K, tulog na…”

Kinuha naman ‘yong opportunity ni Karylle para hatakin ang kumot hanggang sa makuha na niya ito and went back to sleep.

Few minutes later, naramdaman na ni Vice ang lamig dahil nga wala siyang kumot… pagtingin niya kay Karylle ay himbing na himbing ito sa pagkakatulog at balot na balot ng kumot. “Hay pasalamat ka love kita.” bulong ni Vice.

Dahan dahan naman siyang nakishare sa kumot nito. He tried his best na huwag magising ang girlfriend. He kissed her forehead saka yinakap ito para magkasya sila sa kumot. “Wala na bang mas maliit na kumot dito para mas close tayo?” he asked smiling at himself and dozed off to sleep. 

Reason # 2: The little notes you leave behind is what makes you special.

Napahawak nalang si Karylle sa kanyang ulo nang magising. Tumingin naman siya sa paligid at narealize na late na pala. Pagtingin niya sa tabi niya wala na rin si Vice. Tatayo na sana siya nang mapansin ang note sa may bedside table niya.

Hangover? Pagtitimpla sana kita ng kape pero kilala kita pag nakainom… mamaya pa gising mo. Pinaginit na kita ng tubig… nakaset na din yung coffee maker. :)

Napangiti siya at bumangon na. Dumiretso siya sa may CR para sana magtoothbrush.

Napansin naman niya ang note sa salamin ng CR niya.

Oh di ba? Ang ganda mo pa din kahit lasing ka kagabi. <3

Pagbaba naman niya sa kusina ay handa na nga ang tubig at ippress nalang niya ang coffee maker.

Pagkuha naman niya ng coffee mug niya ay may note din na nakalagay.

Smile. I’ll see you later, love.<3 

~

Reason # 3: I love how you drool over me.

May Bench shoot ngayon si Karylle and after Showtime diretso na ito sa studio kung saan gaganapin ang shoot. Nagprisinta namang sumama ang stage boyfriend niya dahil alam nito kung gaano kaimportante kay Karylle ang shoot.

“Tell me if you need anything.” paalala ni Karylle kay Vice dahil worried siya na mabagot ito kakaintay sakanya. Nagthumbs up ito and said, “Huwag mo ko alalahanin dito, love. Intayin lang kita dito.” He, then sat sa isang sulok habang inaayusan si Karylle.

Once in a while, tinitingnan niya si Vice and everytime nahuhuli niya itong nakatingin sakanya. Nakita rin niya from the moirror na kinukuhanan siya nito ng picture sa kanyang phone at mapapangiti nalang magisa habang nakatingin sa picture.

Dumating naman na ang isang staff at tinanong if ready na daw ba si Karylle. Tumango lang si Karylle at saka sumunod sa staff para magpalit na para sa isusuot niya sa shoot.

Since Bench Body ang ineendorse ni Karylle alam na ni Vice what to expect. But when the curtains of the changing room opened and lumabas si K wearing nothing but a two piece underwear, Vice’s jaw literally dropped. Nakadagdag pa sa kasexyhan ni Karylle ang ayos ng kanyang buhok at make up.

“Okay ka lang talaga dyan, Vice? Baka naiinip ka na?” nakangising tanong ni Karylle when she saw his reaction sa suot niya ngayon. “Hindi okay lang…” nauutal na sabi ni Vice.

“Pero bilisan mo na… ano ba 'to ang init dito.” bulong ni Vice at hinablot ang pamaypay ng makeup artist ni Karylle. 

Reason # 4: I love you because you never leave without a goodbye kiss.

“Weh? K? Pinayagan mo si Viceral?” tanong ni Vhong kay Karylle after ng Showtime. Napakunot naman ng noo si Karylle at tumango. “Bakit naman hindi? Kayo naman kasama niya di ba?” 

Narinig naman ni Billy ang usapan nang dalawa at natawa. “Kaming bahala sa boyfriend mo. Bantayan namin yan.”

“Alam niyo mas worried pa ko para sa mga girlfriend niyo. Kilala ko si Vice, no. Good boy ‘yon.” kinikilig na sagot ni Karylle sa dalawa na nangungulit sakanya. Sakto naman na lumabas si Vice mula sa dressing room niya at nakita na kinukulit na naman ni Billy at ni Vhong ang girlfriend niya.

“Oh tara na!” aya ni Vice sa dalawa. Nagpaalam naman si Vhong at Billy kay Karylle at lumapit kay Vice para hatakin na ito palabas ng studio. “Oy… teka lang. Teka lang.” sabi ni Vice.

Nagulat naman si Karylle na nasa harap na niya si Vice all of a sudden. “Samahan ko lang ‘yung dalawa bumili ng sapatos ha.” paalam ni Vice kay Karylle at nilingon pa sina Vhong bago yumuko para nakawan ng halik si Karylle.

“Tara na brad.” akbay sakanya ni Vhong. Hindi na nakapagsalita si Karylle dahil sa kilig. Napailing nalang ito at kumaway kay Vice na hatak hatak nila Vhong. 

A/N: I TRIED. It's been a while! :)) Konting pahopia lang... I'll try to make more like this cause 'yun lang ang kaya ko sa ngayon. Hehehe. Break muna from the one shots.. I promise to write/finish as soon as magkamotivation na ko to do so. Hahahaha :) 

ViceRylle One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon