#27: What You Wanted | Part IV

7.4K 190 15
                                    

If that's what you wanted, if that's what you wanted.

After that night, hindi ko pa din nagawang lumapit sa kanilang tatlo at magsorry, ni hindi ko nga nasabi kay Vhong kung bakit talaga ko lumalayo. Doble naman ang guilt na nararamdaman ko sa pagiwas kay Vice. Afterall may karapatan naman siyang magalit at pagbawalan na ko, naalala ko pa 6 months ago, nung naghiwalay kami ni Dingdong.

Flashback...

"Umiiyak pa din ba si Karylle?" tanong ni Vice malamang kay Vhong at BIlly sa labas ng pintuan ng kwarto ko ngayon. Kanina ko pa sila pinapauuwi kasi alam ko naman na stressful ang week na 'to para sa amin. "Ayaw talagang buksan 'tong pinto eh." sabi ni Vhong. Narinig ko naman na kumatok ulit ang isa sakanila sa pinto ng kwarto ko. "Sige na magreview na kayo para sa Sunday, ako na magaantay na lumabas 'yang babaeng 'yan." rinig kong sabi ni Vice.

Tumayo ako sa kama ko and went sa pinto at tinapat ang tenga ko sa pintuan to hear kung ano ang nangyayari sa labas. "Sige brad, text mo lang kami pag may kailangan ka or si Karylle ha." sabi ni Vhong then I heard footsteps. Mga ilang minuto pa ko nakikinig pero wala ng nagsasalita. I decided na sumilip ng kaunti pero napalingon si Vice sa pagturn ng knob ng pintuan ng kwarto ko.

"Bakit di ka pa sumama kela Vhong pauwi?" sabi ko sakanya ng hindi binubuksan ang pinto ng kwarto ko, nakasilip lang ako from the door, Tumayo naman siya mula sa hagdan at lumapit sakin pero umatras ako. "Pwede ka ba naman naming iwan?" sabi niya. Napasmirk naman ako na parang napintig ang tenga ko sa sinabi ni Vice. "Kaya ko nang magisa, Vice." sabi ko.

"Aalis lang ako kung okay na." sabi niya and bumalik na lang sa hagdan to show me na hindi talaga siya aalis. "Okay na ko, Vice." sabi ko. "Lumabas ka dyan pag okay ka na." sabi niya na parang hindi narinig ang sinabi ko. "Lalo niyo kong pinapaguilty niyan eh." sabi ko pa na nagccrack ang boses. Napatingin naman siya sakin ulit at lumapit. This time, I did not step back, baka nga kailangan ko ng kausap ngayon.

"Magang maga na 'yang mata mo oh." sabi ni Vice at tinuro ang mata ko, kinusot ko naman ito na parang mabubura ng kamay ko ang pamamaga. "Hindi mo dapat iniiyakan 'yon... kung ayaw na sayo, ede wag." sermon ni Vice at inangat ang mukha ko para tingnan niya ang mata ko. Ngayon ko lang napansin na parang may pasa si Vice sa tabi ng labi niya. Hinawakan ko naman kaya nasaktan siya at hinatak palayo ang kamay ko. Eto siguro yung pinaguusapan nila Vhong kanina.

"Naano yan?" tanong ko. "Wala lang 'yan tara na binili ka ni Vhong ng donut... wag ka ng magdrama dyan, ikain nalang natin yan." sabi niya saka ako hinatak pababa papunta sa may dining area ng bahay namin saka inihanda ang donuts na nasa lamesa. "Bahay mo ha." biro ko pa habang kumukuha siya ng plate at fork. Para na naman talaga nilang bahay 'tong bahay eh, parang 'yung isang kwarto nga eh, sakanila na ni Billy and Vhong.

Hindi naman siya sumagot and tinuloy nalang ang pagserve ng donuts. "Gusto mo hot choco? Di ba gusto mo 'yon with your donuts?" sabi pa niya. Tumango nalang ako lulubusin ko na 'to. Namiss ko din naman 'tong best friend ko, simula kasi nung maging kami ni Dingdong 6 months ago nakakasama ko nalang sila pag may special na occasion.

"'Yung nasa pisngi mo, masakit ba?" tanong ko ng hindi ko matiis. Umiling siya ng nakatalikod pa rin sa akin. "Tinuloy mo 'yung usapan niyo no." sabi ko at nakita kong napatigil siya sa pagtimpla. "Tingnan mo nasaktan ka pa tuloy..." sabi ko. "Hindi nga masakit." sagot naman niya, finally ng hindi pa rin ako nililingon. "Siya nasaktan ba siya?" tanong ko. Natigilan naman siya at hindi sumagot at napansin kong tapos na siyang magtimpla. Maya maya ay hinain na niya sa harap ko ang meriendang hinanda niya para sa akin. 

Tiningnan ko lang ang hinain niya dahil ayaw nga niyang sagutin ang tanong ko. "Hindi siya nasaktan, okay?" sabi niya na parang napikon na talaga sakin. "Ang hirap sayo, eh! Palagi nalang siya 'yung inaalala mo!" sabi pa niya at medyo tumaas ang boses. "Sige nga paano pag nakarating sa school 'yung away niyo? Saka may nabago ba? May nabago ba 'yung pisikalan niyo?" sunod sunod kong tanong sakanya. 

ViceRylle One ShotsWhere stories live. Discover now