The Girl At The Bus

Start from the beginning
                                    

Pero masaya siya dahil nakita niya muli ito kahit walang salitang namamagitan sa kanila tumataba na ang puso niya.

Tumayo ang katabi nito ng makarating na sa gate three kaya umusod ito.

"Upo ka na kanina ka pa nakatayo diyan!" sabi nito sa kanya sabay ngiti.

"ahhh sige salamat!"

"Nakakatuwa naman marunong ka pala magtagalog akala ko foreigner ka!" sabi nito sa kanya.

"Pinay ang nanay ko kaya marunong akong magtagalog!"

Nginitian siya nito at muling ibinalik ang tingin sa tablet na hawak nito. Si Edward pumikit at ninamnam ang mga sandali na katabi si Ms. Smiley

"Farmville yung baba diyan malapit na!" sigaw  ng kondoktor.

"Sige mauna na ako sayo!" paalam nito at tumayo lumakad palabas ng bus.

Nginitian na lang ito.

Wednesday

Baclaran day at siguradong mas maraming tao kesa sa bus. Pero si Edward isa lang dalangin ang makita ang nagmamay-ari ng magandang ngiti. Palinga-linga siya  sa paligid umaasang makita niya ito. Pero nalungkot siya dahil wala na ito. Ngayon araw pa naman sana niya napagdesisyonan na magpakilala rito.

May dumating na bus at kanyang tulakan ang mga tao para makasakay lang. Wala na tuloy choice kundi humabol at sumakay.

Buwis buhay talaga ang pagsakay ng bus lalo na kung marami ng tao muntikan na sana siya mahulog kung hindi lang sa dahil humatak sa kanya.

"Salamat!" sabi niya rito sabay tingin dito.

Ngumiti lang ito  sa kanya ito sa tumango at binalik ang atensyon sa tablet niya.

Biruan mo nga naman yung hinahanap niya nasa bus lang pala!

Nabawasan na ang tao sa bus nagkaupo na rin sila.

"Grabe noh ang dami tao pagwenesday!" biglang sabi ni Edward.

"Baclaran day kasi!"sabi nito sabay balik sa pagtipa ng tablet.

"Salamat nga ulit kanina!" wala na kasing masabi si Edward  para mag-open ng panibagong usapan.

"Wala yun!" ngumiti ito sa kanya.

"Alam mo ang ganda ng smile mo!" hindi naiwasan sabihin ni Edward.

'Huh!" napatingin na ito sa kanya.

"Farmville nah! yung mga baba diyan magsilapit na!" sigaw ng kondoktor.

"Ahh sige una ako!" sabay nito.

Nilamukos ni Edward kamay sa mukha dahil sa frustration.

THURSDAY

Suntok sa buwan ang pagg-aabang ni Edward sa babaeng hanggang ngayon hindi pa rin niya alam ang pangalan.

"Mukang magse-settle na lang ako sa Ms. Smiley niya" natatawang sabi niya sarili.

"Pagnagkita kami ngayon at nagkausap kami ng medyo matagal siya na talaga!"

Pagsakay niyasa bus byahen Tarnate maluwag ito  at kaunti lang ang tao. Umupo siya sa pandalawahang tao sa may bintana. Isinout niya ulit ang headset niya at pumikit.

Tired day sobrang daming rush sa office. Sabayan pa ng makulit niyang officemate slaSh bestfriend niyan si Marco. Hinihiritan na naman kasi siya nito na idate niya ang bestfriend ng girlfriend nitong si Kisses. Blind date, big no siya sa ganun kaya lang sa ginagawa niya ngayon sa paghihintay sa babaeng hindi niya kundi ang magandan ngiti nito. Di ba parang mas malala pa ito!. atlist sa blind date nirefer ng kaibigan niya at alam nito ang pangalan. Samantalang yung babaeng hinihintay niya, ngiti lang at ilang salita ang pinanghahawakan niya.

MayWard Short StoriesWhere stories live. Discover now