The Girl At The Bus

Start from the beginning
                                    

Maayos nakapasok angg bus nila sa Cavitex at medyo mabilis na rin ang byahe. Muling bumaling siya sa babae. Nakangiti pa rin ito at mukhang tuwang tuwa habang tumitipa sa tablet.

"Masayang masaya ata ang babae ito sa kausap niya sa tablet! pero ang ganda talaga ng ngiti niya nakakahawa!" .

Pumikit siya, pero hindi niya maiwasan ngumiti dahil sa babaeng may magandang ngiti.

"Novelita.. Novelita.. yung mga baba diyan padaanin ng makaalis na tayo agad!" sigaw ng kondoktor.

Pagdilat niya ang mga mata sakto naman napatingin pa rin siya sa babaeng may magandang ngiti. Sakto naman nahuli niya itong nakatingin sa kanya at may ilang segundo rin siguro bago nito binawi ang tinggin sa kanya. Napapailing na nalang si Edward sa nangyayari.

"akala ko basketball lang mabagal at mahalaga ang bawat segundo pati ata sa babaeng ito tila bumabagal rin oras  ko!"

Nakita niyang kumilos ang babae para mag-give way sa pasaherong baba. Akala niya mauupo na ito sa nabakanteng upaun pero nakita niyang may inalalayan itong bata para makaupo  at na natili ito nakatayo. Muling umusad ang bus.

"Mukang mabait rin siya!"

Nakakaramdam siya ng kaba na kada hinto ng bus ay maaari  narin bumaba at tuluyan at mawala sa paningin si Ms. Smiley "Akalain mo yun nakaisip ako agad ng codename niya!"naiiling na lang talaga siya naiisip niya.

"Farmville....Farmville.. yung mga baba diyan!" sigaw ng kondoktor.

Nang muli akong tumingin kay Ms. Smiley ngumiti ito sa kanya at tuluyang bumaba.

"Sayang" yun na lang ang tangi nasabi niya sarili.

Tuesday

Muli na naman susugod si Edward sa maraming tao sa Baclaran. Mainit ang ulo niya dahil hindi parin niya makukuha sa kasa ang kanyang kotse kaya heto tuloy pa rin ang pakikipagpatentero niya sa mga tao sa Baclaran.

"Sana naman makasabay ko ulit si Ms. smiley para naman bawi kahit pagod!" bulong ni Edward sa sarili.

"Tanza... Naic... Tarnate.. lalakad na!" sigaw ng kondoktor.

Dali-dali siyang sumampa sa bus. Madami ng tao at halos mapuno na ang bus. Luminga linga siya  umaasa na sana makita niya nag nais makita.Pero wala, "wala siya!" kaya nilagay niya ulit niya at nakinig ng musika habang nakahawak sa upuan para hindi sya matumba.

Umuandar na ang bus at lumapit na ang kondoktor para maningil ng pamasahe. Dahil na busy siya sa pakikinig habang nakapikit hindi na niya napansin na siya na pala ang sinisingil nito. Pasalamat na lang siya sa babaeng kumalabit sa kanya. Tinanggal niya ang headseat at tumingin siya rito. "Si Ms. Smiley!" sigaw ng utak niya.

"Bayad mo raw!" sabay nguso nito sa kondoktor.

"Ay oo nga pala, Naic pare!" sabay abot niya ng bayad.

Muli niyang tiningnan si ms. Smiley pero busy na ito sa tablet nito. Kagaya pa rin kahapon busy ito sa pagtipa sa Tablet kung minsan ay tumatawa. Nahihiya naman siyang dungawin kung ano ginagawa nito basta ang alam niya busy ito.

MayWard Short StoriesWhere stories live. Discover now