[ 62 ] One Last Chance

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo naman. Ikaw si Gab diba?"

[ Hindi ako si Gab, Charel ]

"Z-Zeke?!"

[ Oo ]

"S-Sorry"

[ Okay. I'll forgive you in one condition ]

"Ano yun?"

[ Date ]

"Ano?! Ayoko!"

[ Nandito na ako sa pinto ng kwarto mo, hindi mo man lang ba ako papapasukin? ]

"Weh? Joke ba yan?"

[ To see is to believe Charel ]

Binabaan ko na ng phone si Zeke at lumapit ako sa pinto tapos binuksan.

"Z-Zeke?!"

"I told you"

"B-bakit ka nandito? Paano ka nakapasok?"

"Gusto lang kita makita. Pinapasok ako nina tita. Ayaw mo ba ako makita?"

"Hindi naman sa ganun--"

"Tama na nga yan. Magayos ka na, may date pa tayo"

"Ha? Sino may sabi?!"

"Ako. May permission na ako sa parents mo"

"Ang daya!"

"Dali na. Hintayin na lang kita dito sa room mo"

"Sige na nga"

Pumasok na lang siya sa kwarto ko at nagbatian sila ni Vince. Ako naman, magaayos na.

***

Naghintay lang si Zeke hanggang sa matapos akong magayos. Paano ba naman? Biglaan kasing magyaya. Pagpunta namin sa living room, nandoon si Mommy and Daddy at nagyaya sila kumain meaning dito kami maglalunch kasama si zeke. The whole time nung lunch, parang ang invisible ko >___< Kinakausap kasi nila si Zeke. Parang ganito lang dati nung kami pa kasi dati tuwing nandito sina Mommy, iniinvite nila si Zeke na dito kumain sa bahay tapos nagkekwentuhan sila. Pagtapos namin kumain, bumalik kami ni Zeke sa room ko.

"Charel?"

"Yup?"

"Alam ba ni Gab na may date tayo?"

"Ha? Ah eh.. Hindi ee"

"Bakit hindi mo sabihin?"

"Ah tama. Sasabihin ko na"

Kinuha ko naman yung phone ko at kunwari na tinext si Gab. Ayoko kasi na malaman niya pa. Syempre, nandito si Risa tapos paano na lang kapag nalaman ni Gab? Edi nagalit yun diba? Baka mas piliin niya si Risa at ayoko mangyari yun kaya hindi ko sasabihin sa kanya. Wala naman kaming gagawing masama ni Zeke kaya okay lang naman siguro na hindi ko sabihin diba?

"Okay na. Natext ko na siya. Oo nga pala, saan lakad natin?" tanong ko

"Saan mo ba gusto pumunta? We'll go there"

Game of Love [ PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon