CHAPTER 3: First Day

Ngayon ang unang araw ng pasok nila. Handa na siyang pumasok at hinihintay niya na lang ang kaibigan niya na kasabay niya pumasok. Siya si Kylie Lariza Gonzales o KL. Half-Filipino at Half-Korean ito. Siya ang matalik na kaibigan ni Jin. Parang lalaki ito kung kumilos pero maganda siya. Isa sa mga ugali nito ay ang paghahanap palagi ng gwapo sa paligid kaya nakukulitan sa kanya si Jin. Siya ang kaibigan ni Jin na palagi niyang kasama sa lahat ng bagay, mapa-kalokohan man o pag-aaral. Nang tumunog ang doorbell ay agad na pinagbuksan siya ng kapatid ni Jin at pinapasok sa bahay.

"KL!" sigaw ni Jin sabay yakap sa kaibigan.

Matagal niya itong hindi nakita dahil habang bakasyon ay tumira ito sa Korea kasama ng mga magulang niya.

"Annyeong! (Hello)" masiglang bati ni KL

"Namiss kita bessy!"

"Namiss din kita! Tara na, pumasok na tayo at baka malate tayo"

"Girls, hatid ko na kayo" sabi ni Axel

Agad silang hinatid ng kapatid ni Jin sa school at dahil hindi trapik ay nakarating sila kaagad doon. Malapit lang din ang school nila sa bahay at nilalakad lang iyon nina KL.

"Thank you kuya!"

"You’re welcome princess. Be good, okay?"

"Yes kuya"

Naglalakad sina Jin at KL papunta sa room pero dahil sa nagtitingin tingin si Jin sa paligid para makita si Zeke ay hindi niya napansin ang isang tao at nabangga niya ito.

"Hey! Watch where you're going!" naiinis na sinabi ng nabangga niya

"Sorry. Ikaw pala yan Mika"

"Sa susunod, mag-ingat ka! Kung saan saan ka kasi nakatingin! Ang aga aga sinisira mo na ang araw ko. By the way, beware of me, you will definitely lose this year" sabi ni Mika at saka tumawa.

"Hindi ako magpapatalo sayo"

"Whatever, I have no time to talk to losers like the two of you. Ciao!"

Iniwan sila doon ni Mika. Siya si Mikaela Valdez, siya ang kaagaw ni Jin sa lahat ng bagay. Siya ang kalaban ni Jin pagdating sa pag-aaral at pagdating kay Zeke. Classmate kasi ni Zeke si Mika. Simula noon ay kaaway ang tingin sa kanya ni Mika at galit siya kay Jin dahil lagi na lang siyang pangalawa kay Jin sa lahat ng bagay.

"Wag mo na pansinin si Mika, bessy. Naiinggit lang sayo yun" sabi ni KL

Pagdating nina Jin ay inaayos na ng teacher nila ang uupuan nila.

"Good morning ma'am!" masiglang bati ni KL

"Good morning. Ms. Tan, you will sit in that chair and Ms. Gonzales, you will be sitting there" sabi ng teacher nila sabay turo sa uupuan nila

Napansin ni Jin na alphabetical ang pwesto ng upuan nila. Nakipagdaldalan muna si Jin sa mga kaklase niya at pagtingin niya, may katabi na siya sa upuan. Nakatungo ang lalaki at tila ba natutulog kaya hindi siya kinausap ni Jin.

"Good morning class!" bati ng teacher nila

Umayos ng umupo ang katabi niya at tiningnan niya ito. Hindi din siya nakikinig sa sinasabe ng teacher nila dahil orientation pa lang iyon. Nang mapansin ng lalaki na tinititigan siya ni Jin ay tumingin siya dito.

"Ikaw?!" sabay nilang isinigaw

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!