CHAPTER 7: Truth or Dare

"Sige guys, kuha muna ako ng bote at ng makakain" -KL

Pumunta sina Jin at KL sa kusina at naiwan silang mga lalaki doon. Napansin ni Steven na may kakaiba sa kaibigan dahil simula nang dumating si Jin ay nanahimik na ito. Noong wala kasi ito ay nakakausap siya ni KL kahit na ayaw na nakikipag-usap ni Gab sa mga babae kaya napaisip siya kung may gusto ba si Gab kay Jin.

"Pre, okay ka lang?" tanong niya

"Oo"

Bumalik sina KL na may dalang bote at makakain.

"Ganito ang gagawin. Kung kanino tumapat yung takip ng bote, siya yung tatanungin at papaikutin ulit yung bote para malaman kung sino ang magtatanong. Bawal magpahabol ng tanong at gagawin. Lahat ng mangyayari at sasabihin natin hanggang dito lang, okay ba yun sa inyo?" - KL

"Oo na. Ang dami mo pang sinasabe" reklamo ni Spencer

"Tigilan mo ako Spencer kung ayaw mong mabatukan!" -KL

"Tama na nga yan KL at Spencer, simula na tayo" -Jin

Pinaikot ang bote at tumapat kay Jin at pinaikot nila iyon ulit at kay KL naman tumapat.

"Bessy, truth or dare?" tanong ni KL

"Truth" mabilis na sagot ni Jin

"Tutal hindi ko pa natatanong ito sayo, ngayon na lang. Sino ang first kiss mo?" -KL

Nanlaki ang mata ni Jin sa tanong ni KL. Alam niya na si Gab ito at nahihiya siyang aminin sa kanila kung paano iyon nangyari.

"Kasi.. dare na lang pala" -Jin

"Daya! Bawal magpalit" - Spencer

"Oo nga naman Jin, bawal" -Steven

"Ayaw ko sabihin kung sino" -Jin

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!