Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

-------------------------------------------

Chapter 61: Extra

Jin's POV

Wednesday na ^__^ Last day of practice na din to at sa Friday na yung graduation. Super duper excited na ako. Magsasummer na din kasi. Gusto ko na magbakasyon. Excited na din kasi talaga ako maging isang ganap na college student. Ngayong day na din yung dating nina Mommy and Daddy. Hindi ko nga lang alam kung anong oras. Mamayang gabi daw, may dinner kami kasama yung family nina Gab. Nandito pa ako ngayon sa bahay. Hinihintay ko lang yung text ni Gab. Sabay kasi kami papasok sa school. Kadalasan kasi si Vince kasabay ko pumasok o kaya hinahatid ako ni kuya.

*1 new message*

From: fiancé

Nandito na ako sa tapat ng bahay niyo.

Nagmadali ako na lumabas ng bahay. Pagtingin ko, nandoon nga siya :) Inayusan niya lang talaga yung buhok niya ngayon kaya ang gwapo niya tingnan *O* ang swerte ko sa taong to.

"May hinahanap ka ba?" tanong niya

"Yung kotse mo?"

"Iniwan ko sa bahay"

"Ee paano yan?"

"Maglalakad tayo"

"Ano?!"

"Wag ka nga maarte dyan. Tara na"

Nauna siya maglakad at iniwan ako. Ang bait nga naman oh. Bakit ganun? Tuwing nagaayos talaga siya pag ordinary day lang, masungit siya. Hindi ba uso sweet sa mga gwapo? -___- Kailangan ba mukha lang sila laging cool? Tsk. Sumunod naman ako maglakad kay Gab at kumapit ako sa braso niya at tinitingnan siya habang naglalakad.

"Sa ginagawa mong yan, maaaksidente ka"

"Bawal na ba tumingin sa boyfriend ko?"

"Madami pang oras para dyan. Tumingin ka sa dinadaanan mo"

"Sunget! Porket nagpagwapo ka lang e"

"May sinasabi ka ba?"

"Wala po"

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!