Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

----------------------------------------

(Reposted again using the unedited version. Buy a copy of the book to read the edited version. The book version is different from the Wattpad version.)

Chapter 38: Goodbye

Nang dumating ang mga kaibigan nila doon at may magbabantay na kay Jin ay umalis sina Terrence at Steven. Pumunta sila sa isang abandonadong bahay na alam ni Terrence.

"Let's drink" pagyayaya ni Terrence

"Gago ka ba?! Dadalhin mo ako dito para maglasing?! Bugbugin kaya kita dyan para makatulog ka agad at hindi mo na kailanganin maglasing?!" naiinis na sagot ni Steven

"Wag ka magmadali Steven. Dadating din tayo dyan"

Napangiti si Steven sa sagot ni Terrence.

‘Makakabawi na din ako sa ginawa niya kay Jin. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana bilang ang oras ni Jin ngayon’ sabi ni Steven sa isip niya

Hinayaan ni Steven na malasing si Terrence at maubos ang lahat ng binili nito na alak. Hindi uminom si Steven dahil alam niya na magmamaneho sila pauwi.

"Bugbugin mo na ko. Yan naman ang gusto mo dahil galit ka sa ginawa ko kay Jin, hindi ba? She’ll be dead by tomorrow"

"Ang dami mong satsat!"

Pinagsusuntok siya ni Steven hanggang sa hindi na ito makatayo. Hindi lumaban si Terrence dahil iniisip niya na iyon na ang kabayaran sa ginawa niya.

"Kapag natuluyan si Jin, mapapatay talaga kita!"

"Hindi ko naman sinasadya hindi ba? Mahal ko si Jin!"

"Mahal mo si Jin?! Kailan pa?"

"Matagal na. Kung pwede lang na ako ang mamatay at hindi siya"

Nakita ni Steven na sincere si Terrence sa mga sinabe niya. Inabot ni Steven ang kamay niya kay Terrence para matulungan itong makatayo pero pinilit ni Terrence na makatayo mag-isa kahit na mahirap para sa kanya. Tinapik ni Terrence ang balikat ni Steven.

"Pasensya na pre dahil hindi ko nagawang protektahan si Jin. Wag ka mag-alala dahil pagkatapos ng mangyayari bukas, hindi niyo na ako makikita pa"

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!