Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

----------------------------------------

(Reposted again using the unedited version. Buy a copy of the book to read the edited version. The book version is different from the Wattpad version.)

Chapter 44.3: Zeke’s Birthday (part 3)

Gab's POV

Sh*t! Badtrip! -___- Bakit ko nga ba sinabe sa kanya yun?! Bakit ko na naman ba siya hinalikan?! F*ck! Arg! Hindi ko na naman nacontrol galit ko! T*ngn*ng alak yan! Nandito pa din ako ngayon sa tapat ng bahay nina Jin. Kailangan ko siyang makausap. Lumabas ako ng sasakyan at nag doorbell. Bigla din naman lumabas si Axel.

"Gab. Anong problema?"

"Kailangan ko kausapin si Jin! Kailangan ko magsorry! Papasukin mo ko"

"Ano na naman bang ginawa mo sa kanya?! Kaya pala dere deretso sa kwarto niya"

"Nasabihan ko siya ng hindi maganda! Kailangan ko siyang makausap. Papasukin mo ko! JIIIINNNN! Lumabas ka dyan!"

Nagpipilit akong pumasok ng bahay nila pero pinipigilan ako ni Axel. Nagulat naman ako ng bigla akong sinuntok ni Axel.

"That's for hurting my sister. Umuwi ka na! Bumalik ka kapag hindi ka na amoy alak"

Sinarhan niya na ako ng gate. Sakit din nun ah? Nasuntok pa ko ng wala sa oras. Sabagay, bagay lang to sakin. Mali din naman kasi ginawa ko e. Sumakay na ako ulit sa sasakyan ko at umuwi. Tinawagan ko si Steven at Spencer para pumunta dito sa bahay. Pumayag din naman sila.

Problemado na naman ako ngayon. Lagi na lang kami nagaaway ni Jin. Lagi ko na lang siya sinasaktan. Siguro nga mas maganda na wala ako. Baka sakaling masaya pa si Jin. Pero hindi ko kaya dahil iniisip ko pa lang na iiwan ko siya, hindi ko na kaya. Ayaw niya ng iniiwan siya. Ang sama ko. Padalos dalos ako sa sinasabe ko. Hindi dapat ako nagsalita ng hindi ko alam pero hindi ko maiwasang magselos. Sabihin na natin na hindi ko siya girlfriend pero fiancée ko siya. Hindi man legal sa papel yun, seryoso na kaming dalawa dun. Sino ba naman kasi hindi maiinis sa nakita ko diba? -___- Sila lang din dalawa yung nasa bahay buong gabe. Diba maiisip mo din na nagawa nila yun? Lalo na't mukhang may feelings pa sila sa isat isa.

Gusto ko ipagdamot si Jin. Muntik na siyang maagaw sakin ni Terrence noon at ayoko na maagaw siya ulit ni Zeke ngayon. Mahal ko yung babaeng yun e. Kung pwede ko lang pakasalan yun, ginawa ko na.

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!