Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

----------------------------------------

(Reposted again using the unedited version. Buy a copy of the book to read the edited version. The book version is different from the Wattpad version.)

Chapter 37: Decision

Tatlong araw pa ang lumipas. Lagpas dalawang linggo na simula ng maaksidente sila pero hindi pa din nagigising si Jin. Ngayon ang araw na dumating ang mga magulang nina Jin galing sa ibang bansa.

"Axel, how is she?"

"Hindi pa din siya nagigising Dad. She’s not getting any better. In fact, it’s the other way around" malungkot na sagot ni Axel

"Kawawa naman ang dalaga ko" malungkot na sagot ng Mommy niya

"Let’s eat first"

"Dad, ayaw niyo ba na puntahan muna natin si Jin?"

"Axel, Jin can wait for us. Let’s eat first, okay?"

Nainis si Axel sa sinabe ng mga magulang niya.

‘Ngayon nga lang sila nakarating sa tagal na naospital si Jin pero nagawa pa nilang kumain muna bago siya puntahan. Bakit ba lagi nilang inuuna ang ibang mga bagay kaysa kay Jin?’

Wala siyang nagawa kung hindi sundin ang mga magulang.

"Axel, your mom and I have something very important to tell you"

"Ano iyon?"

"Kung sakaling hindi pa din magising si Jin, puputulin na namin ang life supporter niya. We can’t--"

"Hindi! Mom, Dad, paano niyo magagawa kay Jin iyon?! Hindi niyo pwedeng gawin yan. Papatayin niyo siya! Hindi siya pwedeng mamatay!"

"Axel, pinag-isipan namin ito ng mabuti ng Mommy mo. Ikaw na ang nagsabi na isang linggo lang. Tinaningan na siya ng doctor, Axel!"

"Just be prepared Axel. I know that it’s hard to let go of her but we need to be prepared for what we are planning to do"

"Magigising si Jin! Anak niyo siya, hindi ba? Bakit parang ang dali lang para sa inyo na sabihin yan?!"

"Magulang mo kami! Wag mo kami pagtataasan ng boses!"

"Whether you like it or not, that is our decision. Kailangan mo ihanda ang sarili mo sa mga masasamang mangyayari. Umaasa pa din kami na magigising siya Axel pero tatlong araw na lang ang natitira sa taning ng doctor. Mahirap din ito para samin pero mas pinapahirapan lang natin si Jin"

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!