CHAPTER 9: Breakup

Pagkadating sa bahay ay sinamahan ni Axel si Jin sa kwarto nito.

"Princess, magbihis ka na para makakain na tayo" -Axel

"Kuya, kinakabahan ako"

"Dapat kasi sumusunod ka na lang sa mga sinasabi ko, tingnan mo kung anong nangyari. Sige, magbihis ka na. Hintayin ka na lang namin sa baba"

Madali siyang nagbihis at tinext si Zeke.

To: Babe

Zeke, kita na lang tayo sa school bukas, baka hindi na kita matext. Good night babe, I love you :*

From: Babe

Okay.

Nainis siya dahil sa iksi ng reply ni Zeke. Hindi na lang siya sumagot pa at pumunta sa hapag kainan.

"Let's eat" sabi ng Mommy niya

Madali siyang umupo at nagsimula silang kumain.

"Hiroshi, how's school?" tanong ng Daddy nila

"I’m doing good dad. Medyo hirap lang magadjust pero okay naman. Madami na din akong kaibigan" sagot ni Axel

"It's good to hear that. Just keep it up. How about you my princess?" –Daddy niya

"Honey, stop treating our daughter like a baby. Masyado mo kasing iniispoil kaya hindi na siya sumusunod satin" –Mommy niya

"Mom, it's not like that. Dad, I'm doing good in school. I’m having fun learning. You don’t have anything to worry about my studies"

"If that’s how it goes, that’s good" -Daddy nila

Kumain siya ng mabilis para makapagpahinga na.

"Mom, Dad, Kuya, mauna na ako sa kwarto ko dahil mag-aaral pa po ako. Kung may kailangan po kayo, puntahan niyo lang po ako o ipatawag niyo lang po ako"

"Make sure that you really will study, okay?"

"Yes, mommy"

 

Pumasok siya sa kwarto at nagbasa. Hindi nagtagal at pinuntahan siya ng katulong nila sa kwarto niya.

 

"Jin, pinapatawag ka ng parents mo. Pumunta ka sa office room nila ngayon na"

"Sige po ate"

 

Madaling lumabas sa kwarto niya si Jin at pumunta sa office room ng mga magulang niya sa bahay nila. Umupo siya sa sofa doon at tinabihan siya ng mga magulang niya.

"Princess"

"Yes, daddy?"

"We want you to end your relationship with Zeke"

"Why? He's been a good boyfriend to me. Why are you like this all of a sudden?"

"We don’t want him for you. Nagiging bad influence siya sayo. Bata ka pa at hindi mo pa dapat sineseryoso ang ganyang bagay. We are giving you an option: Breakup with him or else--"

"Or else what, Mommy? Palilipatin niyo ako ng school? Paghihigpitan niyo ako? Mommy, I don’t want to breakup with him"

"Then you’ll suffer. We will confiscate all your gadgets and we won’t let you go to school and go home by yourself. You will also be bringing packed lunch because we will not give you any allowance from now on"

"How can you do this? Aren’t you too much?"

"Were very sorry Charel. If this is the only way to make you breakup with Zeke, we will. Everything will be back to normal once you do what we want. We are doing this for your own good"

"I hate you mommy and daddy! You don’t love me!"

 

Nagsimulang umiyak si Jin at dahil sa nainis ang nanay niya sa sagot niya ay sinampal siya nito.

"We are doing this because we love you Charel! Now, if you will not follow us, then you will suffer!"

Tumakbo si Jin pabalik sa kwarto niya at umiyak. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang mga magulang niya.

‘Paano na kami ni Zeke nito? Hindi ako papayag na paghiwalayin nila kami. Kahit na pahirapan nila ako, hindi ako titigil’ sabi ni Jin sa isip niya

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!