CHAPTER 2: Jin Charel Tan

Naiinis si Jin dahil kanina pa may gumigising sa kanya. Antok na antok pa siya dahil umaga na siya nakatulog.

"Charel, wake up. Tanghali na"

Nang marinig ang pamilyar boses na iyon ni Jin ay agad siyang napabangon.

"Good morning babe" sabi ni Zeke ng nakangiti

"Princess, iwan ko muna kayo" pagpapaalam ni Axel

Lumabas si Axel para maiwan sina Jin at Zeke doon at makapag-usap. Humiga ulit si Jin at nagtakip ng unan. Ayaw niyang makausap si Zeke.

"Hindi ka pa din ba babangon?" tanong ni Zeke

"Matutulog pa ako kaya umalis ka na"

"Ayaw ko"

"I said leave!"

Imbis na umalis doon si Zeke ay humiga siya sa tabi ni Jin.

"You want to sleep, right? I'll sleep with you."

"Just leave me alone!"

Alam ni Jin na hindi aalis doon si Zeke hanggang hindi sila nakakapag-usap kaya bumangon na lang siya para maligo. Paglabas niya ng CR, nakita niya si Zeke na nakahiga pa din at tila ba natutulog. Nilapitan niya si Zeke at tinitigan. Alam ni Jin na hindi niya kayang tiisin ang boyfriend niya dahil mahal na mahal niya ito at isang linggo na din silang hindi nag-uusap.

"Ganun ba talaga ako kagwapo, babe?" sabi ni Zeke at ngumiti

Umupo si Zeke at tiningnan si Jin. Ang buong akala ni Jin ay natutulog ito.

"Babe, I’m sorry okay. I didn’t mean to say those words. Nabigla lang ako kaya ko nasabi yun. Nagseselos ako kapag lumalapit ka sa iba dahil gusto ko akin ka lang. Oo nga pala, nagluto ako ng pagkain para sayo. Kainin mo na bago lumamig"

"Kailan ka pa natuto magluto? Baka naman si kuya pinagluto mo nito."

"Just it eat, okay? I cooked that"

Umupo si Jin at kinaen ang pagkain na nakalagay sa lamesa.

"Am I forgiven?"

"Hmm."

"I’m waiting"

"Sige na nga, hindi kita matiis."

Niyakap siya ni Zeke nang marinig niya iyon. Napangiti na lang si Jin. Nasanay na siya sa ganito na magaaway sila at magbabati din kaagad.

"Charel, hindi ako pwede magtagal dito at kailangan ko na umalis"

"Bakit?"

"Basketball practice."

"Sige, ingat ka babe. Thank you for the breakfast"

"You're welcome. I love you!"

"I love you too."

Hinalikan siya ni Zeke sa pisngi. Lumabas sila ng bahay at inihatid niya ito hanggang sa labas ng gate at pagkatapos noon ay bumalik na siya sa kwarto niya. Alam niya na mababagot na naman siya sa bahay kaya gusto niya na pumasok sa school. Gagraduate na sila sa sunod na taon at isa siya sa mga may chansa na maging valedictorian kaya nagaaral siya ng mabuti. Gusto niya din kasi na matuwa ang mga magulang niya.

Marami ang naiinggit sa kanya dahil sa halos perpekto niyang buhay. Matalino si Jin at simula pa lang bata siya ay nangunguna na siya sa klase kaya nagsisikap siya na mapanatili iyon at dahil sa palaging pag-aaral ang inaatupag niya ay kaunti lang ang mga kaibigan niya. Maganda din siya at boyfriend niya pa si Zeke na isang basketball player sa school nila. Hindi lang alam ng mga tao na kahit na ganun pa man ang buhay niya ay nahihirapan din siya dahil ayaw niya na pumalpak at gumawa ng kalokohan para magalit sa kanya ang mga magulang niya. Si Axel lang din ang kasama niya sa bahay dahil sa ibang bansa nakatira ang mga magulang nila para magtrabaho at bihira lang ito kung umuwi sa Pilipinas. Yan ang buhay ni Jin Charel Tan.

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!