Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

----------------------------------------

(Reposted again using the unedited version. Buy a copy of the book to read the edited version. The book version is different from the Wattpad version.)

Chapter 24.4: Move On

Axel's POV

Naka-alis na si Mafelle dito sa bahay. Hindi ko sinasadya na masigawan siya kanina. Nagalit lang naman ako kasi pati si Jessica nadamay. Wala naman siyang ginawa kay Mafelle kaya hindi dapat siya nasaktan. Para din siyang si Jin. Ang fragile niya. Hindi ko kakayanin na saktan siya.

Hindi ko naman din alam na may gusto sakin si Mafelle. Tinuturing ko lang naman siya na parang si Jin lalo na ngayon na pinagkakasundo ng mga magulang namin sina Jin at Gab at mukha namang mauuwi din sa kasalan yun kaya parang kapatid ko na din siya. Hindi ko naman inaasahan na magugustuhan niya ako. Nung sinabi kong gusto ko siya, totoo yun. Nagkamali lang talaga siya ng intindi. Gusto ko siya kasi bilang kapatid. Inisip niya pala na may gusto ako sa kanya na higit pa sa kaibigan.

Nandito pa kami ngayon ni Jessica sa pool area banda. Hinawakan ko naman yung mukha ni Jessica. Namula kasi dahil sa pagkakasampal sa kanya.

"I’m sorry. Nadamay ka pa"

"Okay lang naman ako. Dont worry, wala naman akong inis o kahit ano ee"

"I’m glad to hear that. Ayan, hindi na mapula pisngi mo"

"Thanks"

"Ready ka na ba? Punta na tayo kina Dad"

"Kinakabahan ako. Natatakot ako sa sasabihin nila. Paano kung--"

"Nandito lang ako so don’t worry okay?"

Hinawakan ko yung kamay niya at saka kami pumunta sa office nina dad.

"Ready?" tanong ko

Nginitian niya lang ako at saka naman kami pumasok. Nakakapit lang siya sa braso ko.

"Mom and Dad, I’d like you to meet my girlfriend Jessica"

"We like her" -Mom

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!