CHAPTER 6: First Time

Nasa classroom nila si Jin at habang nakaupo ay hindi niya maiwasang isipin si Zeke. Isang linggo niya na itong hindi nakikita dahil abala ito. Ayaw din siyang guluhin ni Jin dahil ayaw niyang masakal sa kanya si Zeke. Wala siyang magawa doon dahil wala ang teacher nila sa sunod na klase. Hindi niya din makausap ang kaibigan niya na si KL dahil palagi nitong kausap si Spencer. Maging ang katabi niya ay palaging tulog. Naisipan niya na itext na lang ang boyfriend niya dahil baka sakaling magreply ito.

To: Babe

I miss you Mr. Lopez. I love you :*

From: Babe

I love you too. Tatawag ako.

Hinintay ni Jin na tumawag si Zeke at nang tumawag ito ay madali niyang sinagot.

 

"Hi babe!"

[ Magcutting tayo ]

"Bakit mo gusto magcutting? Namiss mo ako ano?"

[ Tinatanong pa ba yan babe? Syempre, namiss kita. Tara? ]

"Namiss din kita pero Zeke, hindi pwede ang gusto mo"

[ Bakit? Ayaw mo ba akong makasama? ]

"Hindi sa ganun, Zeke. Gustuhin ko man pero hindi pwede. kailangan ko pumasok"

[ Kung ayaw may dahilan pero kung gusto, may paraan ]

"Zeke, wag ka naman ganyan oh"

[ Gusto mo ba ako makasama o hindi? ]

"Gusto ko pero--"

[ Edi sumama ka sakin. Hihintayin kita sa gate ng school. Ngayon na ]

Binabaan siya ni Zeke. Hindi alam ni Jin ang gagawin kaya nilapitan niya si KL.

"Bessy!"

"Anong problema?"

"Gusto ni Zeke na magcutting kami para makasama ko siya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin"

"Dalawa lang ang pagpipilian mo, aalis ka o hindi. Isipin mo na lang ang kalalabasan ng magiging desisyon mo. Ikaw, ano bang gusto mo?"

"Gusto ko pumasok pero baka magalit siya kapag hindi ko siya sinipot"

"Nasaan ba siya?"

"Sabe niya hihintayin niya ako sa gate, ngayon na"

"Ano?! Ito lang ang masasabi ko bessy, nagiging bad influence na sayo ang boyfriend mo. Hindi naman siya ganun dati"

"Namiss niya kasi ako dahil hindi na kami nakakapag kita"

"Pero hindi yun sapat na dahilan para magcutting kayo. Kung gusto ka niya makasama, gagawa siya ng ibang paraan. Hindi yung ganito"

"Bahala na bessy. Basta ang alam ko, kailangan ko siyang puntahan. Kapag hinanap ako ng teacher, sabihin mo na lang na may LBM ako kaya ako umuwi. Bye!"

Kinakabahan na naglakad papunta doon si Jin. Ngayon pa lang siya magkakacutting simula nang mag-aral siya at alam niya na mapapagalitan siya kapag nalaman iyon ng kapatid niya na si Axel. Pagdating niya doon ay nakita niya si Zeke pero hindi niya nagustuhan na makita itong naninigarilyo. Kinuha niya ang sigarilyo nito at inapakan.

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!