Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

----------------------------------------

(Reposted again using the unedited version. Buy a copy of the book to read the edited version. The book version is different from the Wattpad version.)

Chapter 35.1: My New Boyfriend

Jin's POV

Monday. November 14. Nandito ako sa room ngayon. Maaga ako pumasok dahil maaga din kasi ako natapos kumilos. Konti pa lang yung tao dito sa room. Lahat kasi nakakalat sa hallway. Inaabangan yung exchange student. Magiging classmate namin for 2 weeks yung exchange student e. Bale parang 10 days lang. Hindi na ako masyado naeexcite. Paano ba naman, makakasama naman namin sa room yun.

Ilang araw na din na hindi pumapasok si Gab. Simula nung wednesday, absent siya. I heard from some girl na nasa Japan daw siya and to confirm that, I asked Mafelle at totoo nga. Doon na daw si Gab titira. Medyo malungkot ngayon. Important si Gab sakin e. Nakakagulat lang kasi bigla siyang nawala nang wala man lang pasabi. Sabagay, hindi na namin siya kinakausap dahil sa nagiba siya. Naging mas malala pa siya kay Steven. Nung wednesday night. Same day nung alis niya, nakita ko sa facebook na he's in a relationship with Risa Hayashi. Maganda yung girl at mukhang japanese. Well, I hope na maging masaya sila ni Gab :)

Anyway, wala akong katabi ngayon pero okay lang yun, may mga nakakausap pa din naman ako pero hinahanap hanap ko pa din yung pagsusungit ni Gab. Ano ba naman yan oh? Bakit ba naiisip ko siya? -___- Maya maya nagsipasukan na din yung mga classmates ko. Dumating na kasi yung prof namin kasama pa yung principal.

"Good morning. I want you to meet Terrence Martinez. He is the exchange student. Starting today until next week, friday, he will be your classmate. So I expect you to treat him good. Okay. Goodbye" -principal

Pumasok na si Terrence at naka civilian siya. Woah! Ganda talaga lagi ng porma nitong taong to. Kala mo may photoshoot everyday e.

"KYAAAAAH! Ang gwapo niya. Siya yung model diba?" -classmates ko na girls.

"Mr. Martinez, you can sit on the vacant seat there"

Tinuro ni mam yung vacant seat sa tabi ko which is seat ni Gab. At ito namang si Terrence nagulat pa at kumaway sakin. Nginitian ko na lang siya. Lumapit na din naman siya sakin at umupo sa tabi ko.

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!