Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

----------------------------------------

Chapter 64: The Proposal

Gab's POV

March 24, Saturday.

Matagal tagal ko din hinintay tong araw na to. Bakit? Magpopropose ako kay Jin para maisip niya na siya lang talaga. Masyado kasi siyang nagaalala sa mga bagay bagay kaya bibigyan ko siya ng kasiguraduhan. Alam kong bata pa kami. Hindi naman porket nagpropose na magpapakasal na kaagad diba? -___- Yun kasi yung kadalasang iniisip ng mga tao. Maghihintay naman ako ng kahit apat o limang taon pa para tapos na kami magaral. Kahit sampung taon pa yan basta kapag handa na siya, doon na yung kasal.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Hindi naman kasi ako magaling sa ganito e -___- Iniisip ko kung anong klaseng proposal yung gusto ni Jin. Ayoko naman kasi maulit yung mga nagawa ko na sa kanya dati. Bakit ba kasi lagi kong sinusurpresa yun kahit hindi pa kami nun? Naubusan tuloy ako ng idea. Matawagan nga si Steven. Panigurado, maraming alam yun. Pagkatawag ko, may sumagot din naman agad.

[ hello? ] boses ng babae

"Sino ka?"

[ Gab naman! Si Aine to. Sino pa ba? Tingin mo babae niya? Hindi ano! ]

"Ah. Monster"

[ Hoy hindi ako monster ah?! Gusto mo mabatukan?! Pasalamat ka, hindi kita kasama ngayon ]

"Tingnan mo, nagiging monster ka kapag naiinis"

[ Whatever Gab. By the way, bakit ka pala napatawag? ]

"May itatanong lang ako kay Steven"

[ Wait. Tatawagin ko lang siya. Nandun kasi siya sa room niya. Standby lang ah? ]

"Ge"

[ Hoy Steven Santos! Chicks mo tumawag. Umakyat ka dito bilis! Wait mo lang Gab ah? Tungkol saan nga ba yung itatanong mo? ]

"Wala ka na dun"

[ Ang damot mo! ]

"Alam ko!"

[ Oh babe! Sino sa kanila yung tumawag? ] boses ni Steven

"Oh eto na yung Steven mo!"

[ Oh babe, napatawag ka? ]

"G*go! Hindi mo ako chicks"

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!