CHAPTER 5: Detention

Wala nang nagawa sina Jin at Gab kung hindi sumunod. Sinisisi ni Jin si Gab sa nangyari sa kanya dahil ngayon lang siya makakaranas ng ganun. Nang mapansin niya na tinatawagan siya ng boyfriend niya na si Zeke ay sinagot niya ito.

 

"Babe, sorry hindi ako makakasabay sayo pauwi" 

[ Okay lang ]

Binabaan siya ni Zeke kaagad pagkatapos nun kaya nainis siya lalo. Pakiramdam niya ay wala itong pakialam sa kanya pero palalagpasin niya na lang dahil baka pagod ito. Habang nandoon sila ay walang magawa si Jin kaya nababagot siya.

"Gab" bulong niya

"Bakit?" 

"Hindi ka nabobored?"

"Hindi. Wag mo akong kausapin, matutulog ako"

Tumungo si Gab kaya wala nang makausap doon si Jin. Bawal kasi gumamit ng cellphone sa loob at binabantayan sila ng isang teacher. Sinubukan niyang matulog pero hindi siya makatulog kaya nagbasa na lang siya ng libro pero hindi tumagal ay nakatulog din siya. Nagising si Gab na sakto lang sa oras na pwede na silang umuwi. Hinayaan niya lang matulog si Jin dahil napansin niya na masarap ang tulog nito pero nang sinabihan siya na isasara na ang room na iyon ay ginising niya na si Jin.

"Oi, gumising ka"

Pagkadilat ng mata ni Jin ay agad siyang pinicture-an ni Gab.

"Burahin mo yan!" sigaw ni Jin

"Ayaw ko nga" sabi ni Gab at tumawa

Hinabol niya si Gab para agawin ang phone nito pero hindi niya mahabol kaya umupo na lang siya. Silang dalawa na lang ang naiwan sa loob ng kwarto na iyon.

"Gab, burahin mo yan"

"Ayaw ko nga"

"Para kang bata!"

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!