Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

----------------------------------------

(Reposted again using the unedited version. Buy a copy of the book to read the edited version. The book version is different from the Wattpad version.)

Chapter 44.1: Zeke’s Birthday (part 1)

Jin's POV

December 3.

Ang ganda ng gising ko. Wala nang problema at iniintindi e. Natatahimik na buhay ko kaya sana wag na guluhin ulit. Excited na ako para sa mangyayari mamaya. Tagal ko na kasing hindi nakikita si Zeke. Hindi ko na kasi sila nakakasalubong ni Mika sa school e. Naka move on na yata ako. Hindi na din kasi ako naghahabol pa kay Zeke. Doon na lang siya kay Mika at okay na ako kay Gab. Alam ko din naman na yun ang gustong mangyari ng lahat at nangyayari na yung gusto nila. 

Nasaan na nga ba si Gab? Umuwi siya sa bahay nila kagabi pag dating ni kuya. Ayaw niya daw kasi na magisa lang si Mafelle. Pupunta din naman siya dito mamaya e. Mga 5 siguro ng hapon tapos pupunta kami kina Mika. Sino sino kaya mga pupunta? Baka naman konti lang? Hindi naman kasi mahilig makipagkaibigan si Zeke e. Ewan ko lang ngayon kung nagbago na si Zeke. Kasi dati, kung sino lang gusto niya kausapin, ayun lang talaga pero kung naging friendly man siya ngayon, edi much better :)

Bumaba na ako para makapag breakfast. Nandito pala si Jessica. Ang pretty niya talaga. Mukha siyang doll at bagay sila ni kuya :) Nagpablack pa nga ng hair si kuya para sa kanya e. Namimiss ko na yung blonde na hair ni kuya.

"Hello Jessica"

"Hi Jin" -Jessica

"Zaoshang kuya!" (good morning)

"Zaoshang princess. Kain ka na, okay? May date kami ni panget e" -kuya

"Kayo na may date kuya! Anyway, I'll text na lang later kung gagabihin ako"

"As long as youre with Gab, alam ko naman na magiging safe ka. Sige princess, alis na kami Zaijian!" –kuya (Zaijian -bye)

"Bye Jin!" -Jessica

"Bye kuya. Bye jessica"

Umalis na sila kaya wala na naman akong kasama dito. Yung katulong na lang. Sina kuya and Jessica? Ang sweet talaga nila. Hindi ko pa sila nakikitang magaway. Ang swerte nila sa isa’t isa :) Sana ganyan din kasweet magiging boyfriend ko. Boyfriend?! Ano bang iniisip ko? Wala pa kong plano mag boyfriend for now. I just want to enjoy kung anong meron ako kasi hindi ko alam kung hanggang kalian yun. Hindi din naman kasi porket pinili ko si Gab, magiging boyfriend ko agad and same with Terrence. Kahit siya pinili ko at nandito siya ngayon, hindi ako papayag na maging girlfriend niya ako kaagad.

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!