Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

-----------------------------------------------

Chapter 59: His Past

Jin's POV

Pumunta kami ni Gab sa MOA. Bumili muna kami ng drinks sa grocery tapos doon kami pumunta sa may seaside banda. Naghanap din kami ng pwesto na wala masyadong tao para makapagusap kami ng maayos.

"Ang sarap ng hangin ano?" -Gab

"Ah. Oo nga ee. Ano ba yung sasabihin mo pala?"

"Tungkol yun sa nanay ko pero mukhang importante din yung sasabihin mo kaya ikaw na muna yung magsalita"

"Gab, kanina pa kasi ako naguguluhan. Tama na, tigilan na natin to"

"Anong ibig sabihin mo Jin?"

"Break na tayo Gab. Ayoko na"

"Ano ba naman ba to hon? Hindi nakakatawa. Ano ba talaga yung sasabihin mo?"

"Gab narinig mo ako. Hindi ako nagjojoke, I'm serious. I'm breaking up--"

"Tama na yan, hindi na ako natutuwa Jin. Sabihin mong nagbibiro ka lang. Kung hindi tatalon ako dito"

"Wag ka naman ganyan oh? Nahihirapan ako lalo ee"

"T*ng*nang buhay naman to oh! Akala ko ba wala tayong problema? E ano to?"

Natatakot na naman ako kay Gab. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang.

"Akala ko din wala pero meron pala talaga. Tigilan na natin to"

"Gusto mo talaga tumalon ako dito?"

"Gab ayoko. Wag mo naman na ako masyadong pahirapan oh? Pumayag ka na lang"

"Jin, ano ba talagang problema? Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Hindi lang ikaw yung nahihirapan. Sa ginagawa mo, nahihirapan din ako. Kung may problema, ayusin natin. Wag yung ganito"

"Gab"

"Hindi mo na ba ako mahal? Ganun ba? Yun ba yung dahilan?"

"Hindi"

"E ano? Hindi ako papayag na tapusin na lang natin to ng ganun lang. Hindi ako papayag Jin hanggang hindi mo sinasabe sakin yung dahilan"

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!