CHAPTER 4: Gabriel Vincent Teppei

 

"Is there any problem Ms.Tan and Mr. Teppei?"

"Nothing ma'am" sagot ni Jin

Nainis si Jin dahil sa lahat ng pwede niya maging kaklase ay yung lalaki pa na humila sa kanya sa mall at humalik sa kanya. Ikinagulat din naman ng lalaki na sa lilipatan niya na school ay magiging kaklase niya pa ang babae na iyon.

"Lagot ka sakin ngayon. Magbabayad ka sa ginawa mo sakin" bulong ni Jin

Hindi sumagot ang lalaki at binalewala niya lang ang sinabi ni Jin kaya sinipa siya nito.

"Shit! Kabayo ka ba?!" naiinis na sigaw ng lalaki

"The two of you, get out of this room now! I'll talk to the both of you after class" sabi ng teacher nila

Madaling kinuha ng lalaki ang gamit niya saka lumabas. Wala na din magawa si Jin kung hindi sumunod kaya sinundan niya na lang ito.

"Hintayin mo ako!" sigaw ni Jin

Dahil sa mabilis maglakad ang lalaki ay tumakbo si Jin para makahabol dito. Pumunta ang lalaki sa likod ng school at humiga sa tabi ng puno kung saan malilim at pumikit.

"Hoy panget, pansinin mo naman ako" sabi ni Jin

Naiinis lalo si Jin sa lalaki dahil sa hindi siya pinapansin nito at pakiramdam niya ay sinusungitan siya nito. Ayaw niya pa naman sa mga ganung klaseng lalaki. Umupo si Jin malapit sa kanya at nanahimik na lang dahil alam niya na hindi din sasagot ang lalaki. Ilang minuto din ang nakalipas at nakapikit pa din ang lalaki kaya tinitigan niya ito.

‘Gwapo siya kahit hindi siya masyadong maputi. Matangos din ang ilong niya at ang ganda ng shape ng mukha niya. Medyo mahaba ang buhok niya at may ilang hikaw siya sa tenga kaya mukha siyang gangster pero kahit ganun, gwapo siya’ sabi Jin sa isip niya

Hindi alam ni Jin na hindi natutulog si Gab at kahit na nakapikit ito ay nakikita niya din si Jin. Napansin ni Jin na may tumatawag sa phone niya kaya sinagot niya ito.

[ Nasaan ka? Napadaan ako sa room niyo pero wala ka doon. Tinanong ko si KL at sabi niya, pinagalitan ka daw kaya pinalabas ka ng room ]

"Ganun na nga. Nasa likod ako ng school. Wala ka bang klase?"

[ Wala pa yung teacher. Bumalik ka na sa room at baka mapagalitan ka nyan ]

"Opo. Sige, bye"

Binabaan niya si Zeke at tiningnan ang lalaki sa tabi niya at napansin na nagigising na ito.

"Hey!"

"Ano?!"

 

Natuwa si Jin dahil pinansin na din siya nito.

"Malelate na tayo sa sunod na klase natin. Bumalik na tayo doon pero kung ayaw mo, bahala ka."

Tumayo doon si Jin at sinundan siya ng lalaki pabalik sa room nila.

***

"Jin, may papakilala ko sayo"-KL

"Sino?"

"Siya si Steven Santos at si Spencer Reyes, sila yung bago nating kaklase"

"Hello" sabi ni Jin at saka ngumiti

"Sabay sabay na tayo kumain" pagyayaya ni Steven

"Sure!"masayang sagot ni KL

"Mauna na kayo sa canteen. Susunod na lang kami sa inyo" -Spencer

Pumunta silang dalawa sa canteen at naghanap ng mauupuan.

"Jin, ang gwapo nila ano?"

"Sino?"

"Sino pa nga ba? Edi sina Spencer at Steven. Crush ko na nga si Spencer ee"

"Ang bilis mo naman nagkagusto sa kanya. Mas gwapo naman si Zeke sa kanila"

"Ikaw na ang may gwapong boyfriend at ako na ang wala. Andyan na pala sila"

Umupo sina Spencer sa tabi nina Jin. Kasama na nila ang lalaki na katabi ni Jin sa upuan.

"Jin, sa tingin ko kilala mo naman na siya" sabi ni Steven.

Tumango si Jin kahit na hindi niya alam ang pangalan ng lalaki. Kilala niya lang ito sa mukha pero hindi sa pangalan.

"KL, siya pala si Gabriel Vincent Teppei" pagpapakilala ni Steven.

"Hi Gabriel!" masiglang bati ni KL

"Gab na lang itawag mo sakin. Ayaw ko na tinatawag akong Gabriel"

"Walang problema. Tara bili na tayo ng pagkain"

Kumain sila na nagkakaroon ng ilangan. Habang sina KL, Spencer at Steven ay nagkekwentuhan, tahimik sina Jin at Gab. Sina Spencer, Steven at Gab ay mga bagong estudyante sa school na iyon. Magkakaibigan din sila noon pa. Si Gab ay ang masungit at tahimik sa kanila, si Spencer ang makulit habang si Steven naman ang maloko at lapitin ng mga babae.

***

"Bessy, uwi na ko. Ihahatid ako nina Spencer sa bahay"pagpapaalam ni KL 

"Sure. Ingat ka. Bye!"

Naglalakad palabas ng school si Jin nang makasalubong niya ang teacher nila kaninang umaga kaya hinarang siya.

"Ms. Tan, where is Mr. Teppei? I need to talk to the both of you" tanong niya 

"I don't know ma'am. Can I leave now? I really need to go."

"Mr. Teppei, come here"

Lumingon si Jin at nakita na papalapit doon si Gab.

"The two of you will stay in the detention room for two hours. Siguro naman, magtitino na kayo pagkatapos nun"

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!