Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

----------------------------------------

(Reposted again using the unedited version. Buy a copy of the book to read the edited version. The book version is different from the Wattpad version.)

Chapter 36: Bad News

Nasa isang apartment si Gab sa Japan kung saan nakatira si Risa. Nandoon siya para samahan ito kaya doon muna siya tumira. Naging girlfriend niya ito pagdating niya doon kagaya ng ipinangako niya dito bago ito umalis ng Pilipinas. Gusto niya si Risa pero kahit na magkasama sila ay palagi niya pa din na naiisip si Jin. Napansin ni Risa na malalim ang iniisip ni Gab kaya nilapitan niya ito at niyakap.

"I love you babe! I want you to promise me that no matter what happens, you will never leave me" nakangiting sinabe ni Risa

"Pangako"

Nginitian siya ni Gab at saka siya nanahimik ulit. Nangako siya dito kahit na alam niyang walang kasiguraduhan kung matutupad niya ang pangako niya. Ang alam niya lang kasi, mananatili na lang siya doon para iwan ang lahat sa Pilipinas.

‘Ito ang mahirap kay Risa. Masyado siyang mabait kaya mahirap din siyang saktan. Parehas sila ni Jin’ naisip ni Gab

Tumunog ang phone ni Gab at nakita niya na si Mafelle ang tumatawag kaya dumistansya muna siya kay Risa para sagutin ito.

"Bakit gising ka pa? Madaling araw na dyan ah? Matulog ka na"

[ Kuya, may nangyari. Matagal ko na iniisip kung dapat ko ba ito sabihin sayo o hindi ]

"Anong nangyari?"

[ Naaksidente si Jin apat na araw na ang nakakalipas. Comatosed siya kuya. Alam mo ba ang ibig sabihin nun? Pwede na hindi na siya magising pa. Pasensya na dahil ngayon ko lang ito nasabi sayo ]

"Huminahon ka Mafelle. Magpahinga ka na dahil may pasok ka pa. Wala na akong pakialam pa sa kanya kaya wag mo na ako tatawagan kung tungkol lang sa kanya ang ibabalita mo. Bye" pagsisinungaling ni Gab

Nadismaya si Mafelle sa sinabe ng kapatid dahil sinabihan siya nito na bantayan si Jin pero ngayon ay sinasabe na naman nito na wala siyang pakialam. Binabaan siya ni Gab. Pumasok si Gab sa isang kwarto at nilock iyon. Dahil sa gulat niya sa narinig ay nasabi niya ang mga bagay na iyon.

‘Ang sabi ko sa sarili ko, aayusin ko na ang pakikitungo ko sa mga tao na naiwan ko doon pero bakit ba ako nagkakaganito ulit? Gusto ko na magbagong buhay’ sabi ni Gab sa sarili

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!