CHAPTER 8: Sorry

Nasa classroom sina Jin at Gab at uwian na nila. Naninibago si Jin dahil matapos ang laro nila kahapon ay walang umiimik sa kanila ngayon. Ni hindi din sila magkakasama kumain ng tanghalian. 

"May sasabihin pala ako sayo" sabay na nasabi nina Jin at Gab

"Mauna ka na magsalita" -Jin

"Hindi, ikaw na muna" 

"Um, I want to say sorry about what happened yesterday. I didn't mean to say that. Sorry Gabriel"

"Humihingi ka ba ng tawad o nang-iinis?"

"Nagsosorry"

"Wag mo akong tawagin na Gabriel, pwede? Gab hindi Gabriel"

"Ano pala yung sasabihin mo?"

"Wala yun, kalimutan mo na lang"

"Ang daya mo. Sabihin mo na kasi sakin"

"Ang hirap kasi sabihin, nakakahiya"

"Ano?"

"Uuwi na ako"

Tatayo na sana si Gab pero hinawakan siya ni Jin sa braso.

"Sabihin mo na sakin. Hindi ako tatawa"

"Gusto ko magsorry, yun lang"

"Ganun ba talaga kahirap magsorry sayo?"

"Oo, dahil hindi ako yung tipo ng tao na nagsosorry"

"Umuwi na nga tayo. Sabay na tayo palabas ng gate. Iniwan na tayo nina KL"

 

Sabay silang naglakad palabas ng school. Magpapaalam na sana si Jin kay Gab nang bigla siyang hinila nito at tumakbo palayo. Naghanap kaagad si Gab ng matataguan at tinakpan ang bibig ni Jin. Ang totoong dahilan ng paglipat ni Gab ng school ay para iwasan ang babae na umaaligid sa kanya pero nahanap siya nito kaya nang makita niya ito ay madali siyang nagtago.

"Wag ka gagawa ng kahit anong ingay kahit ngayon lang" bulong ni Gab

Nanahimik si Jin at pagkatapos ng ilang minuto ay tinanggal ni Gab ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ni Jin.

"Buti umalis na siya" -Gab

"Anong nangyari? Bakit tayo biglang tumakbo?"

"Wala yun. Dahil nanahimik ka, ililibre kita. Ano bang gusto mo?"

"Gusto ko ng cake! Tara, ililibre mo pa ako"

"Hindi ba magagalit boyfriend mo nito?"

"Hindi naman siguro. Sasabihin ko lang sa kanya na classmate kita. Doon tayo kumain ng cake sa pastry shop malapit sa bahay namin"

Naglalakad sila nang may kumapit sa braso ni Jin at nakita niya si Zeke.

"Sino siya? Lalaki mo na naman?" naiinis na tanong ni Zeke

"Pre, wag mo naman ganyanin yung babae" -Gab

Nainis si Zeke sa sinagot ni Gab kaya agad niya itong sinuntok.

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!