Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

----------------------------------------

(Reposted again using the unedited version. Buy a copy of the book to read the edited version. The book version is different from the Wattpad version.)

Chapter 27.2: Under The Rain

Zeke's POV

Nakaka 24 flags na kami ngayon. Narating na din namin yung falls. 1 more flag to go. 5 na din kaya feeling ko talo na din kami dahil siguradong marami na yung nakabalik doon sa camp at baka nga kami na lang yung hinihintay.

"At last, nakarating din tayo sa falls. Wait. Magiikot ikot muna ako ah? Babalik ako dito agad. Promise!" -Jin

"Jin!"

"Kaya ko to Zeke! Hindi ako lalayo!"

I checked my phone, walang signal. Ano ba namang klaseng lugar to? Magiikot na lang muna ako at baka sakaling mahanap ko yung isa pang flag. Sabi naman ni Jin hindi siya lalayo e. Naghanap ako ng flag pero wala akong makita. Bahala na kung hindi namin matapos. Hahanapin ko na lang si Jin para makabalik na kami. Madilim na din kasi.

"JIIIIIINNNN!" sigaw ko

Naghanap ako ng naghanap. 6:30 na din. Baka kung ano na nangyare sa babaeng yun. Kahit kailan talaga pinagaalala niya ako.

"JIIIIINNN!"

Naglakad lakad pa ako dun sa way na dinaanan niya at nakita ko yung huling flag na nasa restricted area. Hindi kaya pumunta siya dito?!

"JIIIINNNN!"

Kailangan ko na pasukin yung restricted area. Kinakabahan ako. Baka kung ano na nangyari dun. Ang likot pa naman nun.

"JII-- JIIINNN!"

Nakita ko siya sa restricted area. Nahulog sa isang pit at wala siyang malay. Hindi naman masyado malalim yung pit pero kailangan ko siya mailabas agad.  Pano ko ba siya iaangat dyan? Natataranta na ko!

"CHAAARRREEELLL! GUMISING KA DYAN!"

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!