CHAPTER 10: Consequences

Maagang nagising si Jin kaya maaga din siyang nag-ayos para sa pagpasok sa school. Nang hanapin niya ang phone niya, hindi niya na ito makita at napansin niya na pati ang laptop niya ay nawawala na din. Pati ang pera niya ay kinuha din ng mga magulang niya pero wala siyang magawa dahil alam niya na siya ang pumili noon. Pagkatapos niya mag-ayos ay kumain siya ng agahan.

"Good morning Charel. Just get that lunchbox" sabi sa kanya ng Mommy niya

"Aalis na po ako"

"I’ll send you to school. Let's go"

 

Nagulat siya sa sinabe ng Mommy niya dahil ngayon lang siya hinatid nito sa school.

 

"Bye mommy!"

"Bye sweetheart, take care!"

 

Naglakad siya papunta sa classroom nila at napansin niya na wala pa doon si KL.

"Gab"

"Oh?"

"Ang aga aga ang sungit mo. Pwedeng patawag?"

Inabot ni Gab ang phone niya at dahil kabisado ni Jin ang number ng kaibigan, agad niya itong natawagan.

[ Hello. Sino to? ]

"Bessy, ako to. Nasaan ka na?"

[ Nasa bahay, ikaw? ]

"Nasa school na ako. Bakit hindi ka pa pumapasok?"

[ Ang usapan kasi natin, sabay tayo papasok. Kanina pa ako naghihintay dito ]

"Sorry! Magpapaliwanag ako mamaya. Pumasok ka na"

 

Agad na binabaan ni KL si Jin at sakto lang ang dating ni KL doon para hindi siya malate.

***

 

"Nakakainis ka bessy! Alam mo bang tawag ako ng tawag sayo pero kahit isa hindi mo sinagot. Muntikan pa tuloy akong malate!" reklamo ni KL

"Sorry! Kinonfiscate kasi nina Mommy lahat ng gadgets ko kagabi"

"Walang sorry sorry!" biglang singit ni Spencer

"Gusto mo ba maubos lahat ng buhok mo Spencer?" tanong ni Jin

"Gusto niya yan! Go bessy! Hahaha!" -KL

"Weh? Kaya mo? Hahaha--Aray! Shit! Bitaw!" sigaw ni Spencer

Binitawan ni Jin ang buhok niya at agad na tiningnan ni Spencer ang buhok niya sa salamin.

"Ang tagal tagal ko inayos to tapos guguluhin mo lang?! Pasalamat ka babae ka kung hindi pinatulan na kita!" -Spencer

"Thank you! Tara na bessy!"

Hinila palabas doon ni Jin si KL at pumunta sila sa canteen. Naghihintay si Jin na bumili si KL ng pagkain nang umupo sa tabi nila sina Steven at Gab.

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!