Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

----------------------------------------

(Reposted again using the unedited version. Buy a copy of the book to read the edited version. The book version is different from the Wattpad version.)

Chapter 43: Move On From The Past

Steven's POV

Saturday, November 26

Nandito na ako ngayon sa may car repair shop. Pinapaayos na yung sasakyan ko. Nandito na din si Maeghan at may kausap sa phone. Model yata siya. May mga photoshoot kasi ako na naririnig sa kanya. Naiinis na nga ko sa babaeng to e. English ng english. Sarap sapakin e! Dumudugo na ilong ko sa kanya. Nakakaintindi naman ako kaso yung sa kanya, ang arte pakinggan. Buti talaga babae siya at maganda din siya dahil kung hindi, nasapak ko na talaga yan.

"Hoy babae" tawag ko sa kanya

"Why? What's your problem?"

"Punta tayong mall"

Hinawakan ko yung wrist niya.

"Let go! I am so not gonna go there with you. I’d rather stay here than go out with you"

"Ang arte mo. Tara! Kasama yan sa ginawa mong kalokohan"

"Duh? Kalokohan? The hell?! I didn’t do anything. It's just the car right? Nothing more"

"Sasapakin na kita e! Manahimik ka nga!"

Pinasakay ko siya sa sasakyan ko. Madaming sasakyan sa bahay e. Collection ng tatay ko kaya pati ako nakikinabang. Pumunta na kami sa mall. Tinext ko na din sina KL, Spencer at Gab na pumunta sa mall. Si Zia din dapat kaso may lakad siya ngayon. Medyo malayo din yung repair shop sa mall kung saan kami magkikita kaya naman sakto lang yung dating namin dun dahil malapit na din daw sina KL. Pumasok muna kami sa Shakeys. Dun kami magkikita. Lunch time na din kasi at gutom na ako.

"Why did you bring me here? You really don’t need to bring me out on a date. I don’t like you so you should stop this" -Maeghan

"Bakit? Gusto ba kita? Hindi naman ah? Para saan pa na table for 5 yung kinuha ko kung date to? Wag ka ngang feeling. Kala mo naman ang ganda mo"

Game of Love [ PUBLISHED ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!