"Gusto ko lang sabihin sa inyo na may chance tayong makipagsabayan sa mga ibang class kung magpupursige kayong magtrain. That's it for today. Magpahinga kayo ng mabuti. Itutuloy natin bukas ang praktis niyo. Maliwanag?" si sir na hubad hubad pa rin. Wala ba siyang balak isuot ang hawak niyang polo?.. Itinaas niya ang kanyang kamay at nagkaroon ng malaking magic circle sa kinatatayuan namin.

Sa isang iglap nasa gym na kami ulit. Hindi na gaanong marami ang estudyante dito.

"uyyy. punta muna tayo sa cafeteria. Nagugutom na kasi ako." si Ian.

"owkey. pero? wala akong pera."

"gagang 'to. hindi ka nakinig nung orientation natin no?"

Tinignan ko siya. "hah?"

"sinabi lang naman na libre ang pagkain dito. Kumain tayo hanggat gusto natin. Libre lahat dito sa loob ng academy."  napa - ahhh na lang ako.

Nagsimula na siyang maglakad. Sumunod lang ako sa kanya.

Pagpasok namin sa cafeteria. Napatigil si Ian at bahagyang yumuko na parang kinakabahan siya. Nakatingin silang lahat sa direksyon namin. Hinawakan ko ang braso niya at hinila patungong counter.  Nang makaorder kami ay naghanap kami ng mauupuan. Sakto may bakante sa isang gilid.

Inilapag ko ang pagkain namin at umupo. Umupo siya sa harapan ko. "They are still looking at us." sabi niya.

"Pabayaan mo sila. Huwag na huwag mong ipapakita sa kanila na mahina ka." pilit siyang ngumiti at nagsimula ng kumain.

"ang ipinagtataka ko lang, bakit pala tayo magkapareho ng majika?" si Ian. Majika daw ang tawag nila sa kapangyarihang taglay ng bawat isa dito sa academy.

"hah? akala ko ba plant manipulator ka?"

"nature manipulation ang totoong majika ko. confused ako kasi kanina dun sa training natin at dala na rin siguro ng kaba at takot kaya yun ang nasabi ko." natatawang sabi niya.

"hindi ko rin alam. Nagulat nga ako kanina nung sinabi mo kung anong kapangyarihan mo." pagsisinungaling ko.

"pati nga rin ako. Dahil sub-type ng Earth element ang kapangyarihan natin. At rare lang na dalawa ang may hawak nito. First time na mangyayari ito sa history natin."

Tama siya. Sub-type ng Earth element ang kapangyarihan niya. Nature Manipulation ang sa kanya at ako? Eto tinatago ang totoong pagkatao ko. Baka magkagulo kung malalaman nila kung ano ang pagkatao ko. At sub-type ng Earth element ang napili kong gamiting majika. Hindi madali na sabihin na lang sa kanila na ako ang Elemental user. Yes. Ako nga.

Kaya kong kontrolin ang apat na elemento. Ang hangin, tubig, lupa at apoy. At may isa pa akong namana mula sa aking mga magulang. Ang pagiging Sky Dragon ko.

"uyyy. nagdadaydream ka yata." natatawang sabi ni Ian.. Yinugyog niya ako. Nasa tabi ko na pala siya. "Kanina pa ako daldal ng daldal dito. Hindi ka pala nakikinig." Bumalik na siya sa dati niyang pwesto.

"ano na ba yun? ano bang sinasabi mo kanina hah?"

"hindi. wag na. wala yun. hindi naman yun importante. tara na nga. pagod ako ok? gusto ko ng matulog." Tumayo na siya. Owkey. Di wag. Tumayo na rin ako.

Habang naglalakad kami ay kinukulit ko pa rin siya kung ano yung sinasabi niya kanina. Pero, ayaw niya talagang sabihin. Bahala siya. Hahahaha.

Napatigil siya at kinurot niya ako sa tagiliran ko. "aray! bakit ba?!" iritang tanong ko sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin.  Sinenyasan ako na tumingin sa harap namin.

Tumingin ako sa harapan namin. Si Frost lang naman pala. Nakasandal siya sa wall dito sa hallway. Parang old na palasyo kasi ang structure o ang pagkakagawa ng academy pero modern ang mga facilities dito.

Nagsimula na akong maglakad. At alam kong nakasunod lang si Ian sa akin. Pero bago pa kami makalampas kay Frost ay humarang na ito sa daraanan namin.

"hi." nakangiting sabi niya.

sinamaan ko siya ng tingin.

"hindi ka man lang ba magpapasalamat dahil sa pagtulong ko sa'yo kahapon?" alam kong iniinsulto niya lang ako. "Frost nga pala." sabi niya at inilahad ang kanyang kamay.

Liningon ko si Ian pero umiwas lang siya ng tingin. Hinawakan ko ang braso niya at hinila. Ng nasa tabi ko na siya ay hinawakan ko ang wrist niya at liningon si Frost.

"Ian." tipid kong sagot. At iniabot ang kamay ni Ian sa kamay niya at nakipagsahake hands gamit ang kamay nito. At ngumiti ako ng nakakaloko. Asarin nga kita.

"ahhh. h-hi." kinakabahang sabi ni Ian. At nilingon ako. Ano bang ginagawa mo? yan ang ibig sabihin ng titig niya.

Tumawa ako. "ayaw mo na yatang bitawan tong kaibigan ko."

Nagkatinginan sila at sabay na tinignan ang kanilang mga kamay na magkahawak pa rin at sabay na binitawan ang isa't isa at nag-iwas ng tingin.

"tara na nga." sabi ko. Hinila ko si Ian at hindi na ito umangal. Tuluyan na namin siyang nilagpasan. Nilingon ko siya at tinignan. Hindi ko akalain na nakatingin siya sa akin.  Magkikita tayo mamaya. Hintayin mo ako. Tumango siya bilang sagot.

-------------
Author's note:

Kayo na pong bahalang gumawa at magdikta kung sino ang magiging character ng kwento ko.

Salamat.

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon