Chapter 9: Midterm

En başından başla
                                    

Gustong gusto kong iwasan si Thunder, ayaw ko muna syang makita hanggat maaari dahil sa tuwing makikita ko sya, nagsisimula na naman akong maging emosyonal at tanga.

Nag bell na kaya napagpasyahan na naming pumasok sa kanya-kang klase.

Exam-exam-exam

Puro ganyan, nakakapagtaka na hindi pa din ako bumabagsak sa mga test kahit pa hindi ako nag review.

Pagkatapos kasi mag exam, chini checkan agad yung papel.

Sumasagot na lang ako base sa mga naalala kong diniscuss.

Nag bell na at hudyat na Philosophy class na with my great husband. Halos ayokong dumating ang oras na ito.

Pumasok na sya sa classroom. As usual we greeted him but he just gave as a nod. Inayos ang sitting arrangement at thank God nasa tabi ako ng bintana.

"Okay class, no erasures, no cheating, no whispering, no talking, mind your own paper, if you have any question, ask me. If you fail this examination, you might fail my subject" anunsyo ni Thunder.

Nakasalamin sya ngayon na nakadagdag sa ma awtoridad na itsura nya. Nakita ko namang kinikilig ang mga mean girls sa tabi, malamang ay gwapong gwapo na naman sila kay Thunder.

"Yes prof!" sabay sabay na sabi ng mga classmates ko.

"Good" sagot ni Thunder, mabilis syang tumingin sya sakin pero nag iwas na ko ng tingin.

Ayoko nga syang tingnan! Alam nyo bang masyadong pa fall ang mga mata ni kulog? Ang lakas makapogi ng tantalizing eyes nya kaya wag na lang dahil baka mauto ako.

I looked at the test paper.

Nakikinig naman ako ng maayos sa kanya at paniguradong kayang-kaya kong sagutan ito, pero sa totoo lang kung average student ka lang, mahihirapan ka talaga dito, tiningnan ko ang mga classmates ko, nakita kong panay ang pagkamot nila ng mga ulo nila.

Pasimple kong pinasak sa tenga ko ang isang earphone. Nakinig na lang ako ng tugtog ng paramore.

Sinulat ko ang pangalan ko doon sa test paper.

Akira Sapphire Santos

Kailan ko kaya maiduduktong ang Montenegro sa pangalan ko? Parang napaka imposible naman ng gusto ko.

Maya maya pa ay kinolekta nya na ang mga papel at nagsimula na kaming mag check.

"Okay who got 75-100 score?" tanong ni Thunder, na nakatayo na sa harapan ngayon. Halos kalahati ng mga classmate ko ang tumayo para magpasa.

Inisa isa nyang sabihin ang mga pangalan nung nakakuha ng score na 75-100. Nakakuha si Sanya ng 85. Ang laki ng ngiti ng gaga, palibhasa ay nakapasa sya sa kinatatakutan nyang subject. Good for her.

Nakita ko namang nangungunot ang noo ni Thunder, marahil ay dahil sa hindi pa nababanggit ang pangalan ko. Nasanay siguro syang outstanding ako sa class nya.

"50-74?" tanong nya ulit at may nagbigayan ulit. The same thing happened, once the paper is submitted to him, he will read the name and the score.

"25-49"

"0-24?" tumayo yung isang classmate ko, I am pretty sure it is my paper dahil ako na lang ang hindi natatawag.

"Santos-5" sabi ni Thunder.

Everyone in that room was shocked na para bang nakagawa ako ng malaking krimen.

Duh score lang yan guys!

"OMG! Lowest si Akira?" sabi ni Gail in a pabulong way pero rinig na rinig ko sila.

"Buti nga sa kanya, akala ko pa naman matalino, bobo pala" Venus.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin