Chapter 11 Part 2

Start from the beginning
                                    

Naramdaman niya ang paghawak ni Ethan sa kaniyang bewang at bumulong.

“Hayaan na muna natin sila.” Hinila na siya palayo dahil mukhang may awayang mangyayari.

                 NAKAKUNOT noong tiningnan niya ng taimtim ang lalaking kaharap. Wala siyang paki-alam kung isa man ito sa mga bagong client nila. Basta ang gusto niya ay siya pa rin ang mag-uuwi kay Danica sa bahay niya, nila hindi niya….. sa bahay niya. Nagsimula na silang palibutan ng mga tao sa paligid.

“Ako ang nagdala sa kaniya dito kanina e ako ang maghahatid sa kaniya pa-uwi. Naintindihan mo!?” Hinila nito ang braso ni Danica palapit sa kaniya. Hindi rin papahuli ang lalaking katunggali at hinila din nito ang braso ni Danica palapit dito.

“Ay!” sigaw ni Danica.

“Ako na sabi ang maghahatid sa kaniya e.” matigas na sabi ni Jake kay Travis.

“Ako na nga!”

“Ako!”

“Teka nahihilo ako sha <sigok> pinagagawa ninyo <sigok>” mahinang reklamo ni Danica.

“Ako!”

“Ako!”

“Ako!”

“Ako!” sigaw ni Jake dito. Biglang binitawan ni Travis si Danica kaya napasubsob ang mukha ng dalaga sa dibdib niya.

“Jake,” mahinang tawag nito sa kaniyang pangalan. “Nashushuka akp----“ hindi na tuluyang natapos ng dalaga ang sasabihin dahil dumuwal na ito sa kaniyang sapatos.

Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng ibang bisita kasabay ng malakas na bulong-bulungan. Tumalikod na si Travis na parang walang nangyari. Dumating ang kaniyang Ama at sinabing pagpahingahin muna si Danica sa isa sa mga guest room. Binuhat niya ang lupaypay na katawan nito at dinala sa loob ng bahay.

Dahan-dahan niyang nilapag ang malambot na katawan ni Danica sa kaniyang sariling silid. Hindi pa rin pala binago ng kaniyang Daddy ang loob ng kaniyang kuwarto. Inalis niya ang suot na sapatos at medyas bago pumasok sa banyo at kumuha ang maligamgam na tubig at bimpo. Pagbalik niya ay inilapag niya sa side table ang maliit na planggana at binasa ang bimpong hawak. Hinawakan muna niya ang noo ng dalaga bago dahan-dahang pinunasan ang noo nito.

                 NAALIMPUNGATAN siya dahil bigla niyang naramdaman ang pananakit ng kaniyang tiyan. Pagdilat ng kaniyang mga mata ay nakita niya ang ibang disenyo at itsura ng buong kuwarto. Umupo siya sa gilid ng kama pero agad din naman bumalik sa paghiga dahil sa pananakit ng kaniyang ulo. Nilingon niya ang isang orasan sa may ding-ding.

‘Alas dos na pala ng umaga’ wika ng kaniyang isipan.

Pinilit niyang bumangon para hanapin si Jake. Hindi na siya nag-abalang magsuot pa ng sapatos dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin ang kaniyang mga paa. Dala ang kaniyang sapatos ng naglakad siya pababa ng hagdan. Nakita niya ang likod ni Jake sa may kusina ng mapasilip siya sa gawi nito. Narinig niyang may kausap ito kaya hindi niya muna tinawag ang lalaki.

                “JAKE why can’t we have a relationship again?” makulit na tanong ni Brylle sa kaniya. Bumaba siya kanina para kumuha sana ng tubig para kay Danica sa paggising nito ng ma corner siya ni Brylle. Alam niyang lasing na rin ang babae dahil sa pasuray nitong paglalakad. Naka-uwi na ang iba niyang mga kaibigan at bisita kanina kaya nagulat talaga siya ng makita niya si Brylle.

“Sinabi ko na nuon pa na wala ka ng maaasahan sa akin Brylle. Bakit mo ba ipipilit ang sarili mo sa akin? Kahit kelan hindi tayo nagseryoso sa relasyon natin. There was no ‘us’ to begin with.” Paliwanag niya dito na ikinadilim ng mukha ni Brylle.

Ang 'syota kong promdi COMPLETEWhere stories live. Discover now