Chapter 11 Part 2

Start from the beginning
                                    

Napanganga na naman siya sa ingles nito. Nagkakaintindihan na sana silang dalawa kaso nawala siya bigla sa aktwali. Napakamot nalang siya ng ulo.

Maya-maya ay may dumaan na waiter at may dalang mainom na iba’t-iba ang kulay at baso. Tinawag ito ni Travis. Ng makalapit na ang waiter ay tiningnan siya ng lalaki. Kanina pa niya napapansin ang ganda ng mga mata nito. Parang palaging nakangiti kahit hindi naman. Palaging may spark ang mga mata nito pero hindi yung tipong umiiyak.

“Kumuha ka.” Utos nito sa kaniya.

“Naku huwag na hindi naman ako umiinom e.” tanggi niya dito.

“Sige na kumuha ka na. O itong red wine na lang para kumalma ka kahit konti.” Kinuha nito ang isang mataas na baso na may alak.

“Naku baka malasing ako nito a lagot ako sa amo ko.” Wika niya dito. Inamoy muna niya ang alak kaya nalukot bigla ang mukha niya na ikinatawa ni Travis. “Ang tapang naman ng amoy.” Reklamo niya at inilayo ang baso sa kaniyang ilong.

Kinuha ni Travis ang baso at tinikman ang wine. “Hindi naman a medyo manamis-namis nga e. Sige na inumin mo na yan.” Pamimilit sa kaniya ni Travis.

“Sige na nga.” Inipit muna niya ang kaniyang ilong bago tinungga ang buong baso.

               PAPALAG na sana si Travis dahil nakalimutan niyang pagsabihan ang babaeng hindi tinutungga ang wine kundi sip lang. Umiiling na natatawa nalang siya sa tabi nito.

MAKALIPAS ANG SAMPUNG MINUTO…..

            “Waaahhhhh!!!” isang babaeng may hawak na bote ng wine ang nagwawala at nakikipagsayaw sa isang lalaki sa gitna ng hardin kung nasaan ang iba pang bisita na nakikipagsayaw. Ang ibang mga bisita ay tumatawang nakamasid lang sa babaeng tinablan na ng alak.

“Kaninong bisita ba yan?” usisa ng isang bisita.

“Hindi ko alam.” Sagot naman ng isa.

“Hindi na nahiya o nagwala na talaga sa party ni Jake.”

            NAPANGANGANG sinundan nina Ethan at Nikki ng tingin si Danica sa malayo habang agresibong nakikipagsayaw kay Travis. Para itong isang baliw na nakawala sa mental hospital. Kinalabit ni Nikki ang nobyo.

“Puntahan mo si Jake at tutulungan ko muna si Danica.”

Hindi sila nakarating kaagad sa party kanina dahil may inaasikasong kaso si Ethan at Alex sa opisina nito. Ang ibang barkada nila na imbitado sa party ay hindi makakarating dahil sa iba’t-ibang engagements ng mga ito. Nang makalapit na kay Danica ay pasimple niya itong tinawag at hinawakan ang isang kamay.

“Danica, halika na magpahinga ka muna.”

Pumalag ito sa kaniyang pagkakahawak. “Hi Ate Nikki! <sigok> Sashayaw pa ako e-ek <sigok> mamaya nalang fwede?” Matutumba na sana ito kung hindi lang maagap na nasalo ni Travis. Nakilala niya ang lalaki ng minsang imbitahan ni Ethan ang barkada nito kasama si Ben at sina Travis, Jonah at Lander.         

“Ako na ang bahal sa kaniya.” Wika ni Travis sa kaniya.

“Hindi!” sigaw ni Jake sa kaniyang likod. Nakita niya ang galit na mukha ng pamangkin ni Ethan. “Sa akin sasama si Danica.” Lumapit ito sa harapan nila at hinawakan si Danica ngunit hindi bumitiw si Travis ng pagkakahawak ng braso ng dalaga. Kaya parang naglalaro ng tug of war ang mga ito.

“Jake!” excited na tawag ni Danica sa pangalan ni Jake. Nakangiti ang dalaga dito habang ang mga mata’y halos nakapikit na.

“Ako na ang maghahatid sa kaniya pa-uwi.” Determinadong wika ni Travis.

Ang 'syota kong promdi COMPLETEWhere stories live. Discover now