Suka #6

610 30 5
                                    

TAGALOG SCRIBBLES | Labinlimang Klase ng Tao sa Loob ng Jeepney

Nag-aabang ka ng sasakyan sa gilid ng highway. Yung tipong sinisinghot mo na lahat ng usok na ibinubuga ng mga walang hiyang jeepney na humaharurot at nagbabasakaling maabutan ang nagdudugong “stop” ng traffic light – nakakainis, nakakabuwisit, at nakakadagdag ng tigyawat sa mukha. Pero teka, diba jeepney rin ang hinihintay mo? Antanga lang? (Wag mong dibdibin ha, sinadya ko talaga yun).

At lumipas ang walang hanggan at dumating na rin ang pinakahihintay mong jeepney (magsitayo ang lahat para sa standing ovation). Ngunit hindi doon nagtatapos ang mala-Lord of the Rings na kalbaryo mo. Hindi ka nag-iisa. Nandyan ang mga swapang na inalisan na ng trabaho si Flash sa sobrang pagmamadali. Late na raw sila. Pa’no ka na ngayon? Gamitin ang utak at konting tulak. Sa ganitong mga eksena, dapat maging basketball player ka: [a] gamitin ang katawan bilang pangharang, screen ang tawag dun; [b] maging pisikal ka, imudmod mo sa kanila yang siko mong pinahiran ng expired lotion nung paalis ka sa inyo; [c] maging buwaya ka (nasa sa’yo na yan kung iko-cosplay mo o hindi).

At sa kasawiang pawis, nakasakay ka rin sa wakas. Ngunit para kang nasa isang can ng sardinas. Siksikan sa loob at naaamoy mo ang lahat ng uri ng amoy na maaaring amuyin ng nang-aamoy mong ilong. Napakasaklap na kapalaran. At humarurot na ulit si manong na tila may date na hinahabol – sa CR. Hindi mo alam kung matutuwa ka’t madali kang makakarating sa pupuntahan mo o hindi ka na makakaabot doon dahil malamang patay ka na sa sobrang bilis ng sinasakyan mong jeepney. Enjoy the ride, ika nga, yan na lang gawin mo.

Oh sya, sapat na bang pang-intro yan at magsisimula na ako sa ipinunta ko rito sa harap ng monitor na halatang kulang pa sa tulog at kain? Bakit ka tumawa? Nagdidiliryo ka na yata. Oh sige, sisimulan ko na.

Ang susunod na programa ay may tema at eksenang hindi angkop sa mga taong mahihina ang puso. Patnubay ng doktor ang kailangan.

Hindi ka Pinoy kung hindi ka pa nakakasakay ng jeepney (jeep, jip, dyip). Maliban sa mga maharlika na naka-high heels sabay kabit sa gilid ng shoulder bag, wala na yata (at kung meron man, paki ko?) Seriously, anong paki ko nga? Oh eto naman, wag kang magdamdam dyan, sinadya ko talaga ulit yun. Maraming kwento na maaari kong maisulat tungkol sa mga karanasan ko sa loob ng nasabing sasakyan – isa na ito sa mga iyon. At marami ring mga tao na maaari kong maisulat – isa na rin ito sa mga iyon, at may labinlima akong naipon dito:

15. Ang Mga Dakilang Tanga – Sila ang mga tipong biniyayaan ng mga tenga upang makarinig ngunit hindi man lang maiabot ang pambayad ni manang na tila ihahampas na sa kanilang mga pagmumukha ang bente pesos na hawak nito. Mayroong tatlong dahilan kung bakit ganyan sila umasta eh hindi naman mga siga: [a] malamang naka-earphones, max volume at Slipknot songs ang pinapakinggan; [b] naka-earphones pa rin, ngunit hindi naman naka-plug sa iPod o cellphone nila, yung tipong “wala lang, trip ko lang isabit sa tenga ko”. Sila itong mga wala sa tamang pag-iisip, tanga ika nga; [c] totoong bingi.

14. The Eyecatchers – ang mga pinagtitripan ng mga stambay sa may kanto habang naglalakad. Ngunit ang kaibahan, nakasakay na sa jeep. May dalang pamaypay pansosyal (malamang bente pesos rin lang ang bili nila). Maiksi ang shorts, makinis ang legs (eh di sana naging legs nalang sila) at pinagpapawisan. Sila ang mga tipong nakakahulog ng mga mata kapag tinitigan mo ang mga cleavage nila (eh di sana naging cleavage na rin lang sila).

13. Call Center Agents – ang mga busy kakadaldal sa cellphone hanggang sa ma-snatch ito. Nakakatawa at loudspeaker pa. Sila ang mga breed ng mga tao na maaaring maging live entertainment sa loob ng jeepney (jeep, jip, dyip). Andaming alam, kulang nalang palitan si Kuya Kim sa kakadaldal hanggang sa maubos lahat ng pasahero at maubusan ng gasolina si manong na tila pikon na pikon sa walang hanggang pagbukas ng bibig nila. Oo, may unli call sila.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon