And he’d been faithful to em for five years. Ngayon pa ba siya magloloko kung saka-sakali?

Tama. Baka importanting tawag lang talaga yun. Siguro nga. Pinanatag ko ang sarili ko hanggang sa makabalik siya sa table namin. Mga mahigit 10 minutes din siya nakipag usap sa phone.

“Sino yun?” Tanong ko sa kanya pagkaupo niya.

“A friend.” Sabi niya.

“Sinong friend?” Dahil kilala ko ang lahat ng friends niya.

“Hindi mo kilala.” Kinabahan ako bigla. Bumalik ang pagdududa ko.

“May friend kang hindi ko kilala?” Tiningnan ko siya at umiwas siya ng tingin. Shit! Nagsimula na akong magpanic pero pilit kong hindi pinahalata.

At hindi din siya nagsalita. Nakit ako pa siyang bumuntonghininga ng ilang beses. Ni hindi ko namalayan na ang higpit na pala ng hawak ko sa tinidor. Nung napansin ko na, I tried to relax. Mira, wag kang padalos dalos. Talk to him. Wag kang magconclude agad. Don’t assume. Pagkatiwalaan mo si Gabriel.

Yan ang pilit kong sinasabi sa sarili ko pero ang hirap dahil unti unting lumalaki ang hinala na nabuo ko kanina. Unti unting lumalaki kasi dinidiligan ni Gabriel sa pamamagitan ng mga actions niya.

“Gabriel.” Sabi ko sa kanya nung napansin kong wala siyang balak na sagutin ako.

“Mira…” Bumuntong hininga ulit siya.

“Yan ang gusto kong pag usapan natin ngayon.” Tiningnan niya ako ng seryoso. AT ako, halos hindi na ako makahinga,

“What is it?” Pumikit ako. Ayaw kong makita na ganyan kaseryoso ang mukha niya. Mas lalo akong kinakabahan.  

“Mira this is not working.” Seryosong sabi niya. It took me a minute before I digest what he had just said. Narinig ko pero hindi ko pa rin naiintindihan. O baka ayaw ko lang intindihin, o takot lang akong intindihin?

“What is not working?” Halos hindi ko na marinig ang boses ko sa lakas ng tibok ng puso ko. And I am now breathing through my mouth. I keep on reminding myself to be calm pero ayaw makinig ng sistema ko.

“Our relationship. Our relationship is not working.” Shit! Yan lang ang salitang naisip ko. Wala ng iba pang nagreregister.

“What do you mean?” nanginginig ang buong katawan ko. Nakakuyom na ang kamao ko. At nagpapasalamat ako na hindi kutsilyo ang hawak ko at pinakawalan ko na din kanina ang tinidor dahil baka nasaksak ko na sa kanya yun kapag hawak ko pa.

“I want to end this kind of relationship. Ayaw na kitang maging girlfriend.“ Boom! Just like that. Para akong sinabugan ng limang libong Hiroshima bomb.

“What?” Mahina pero may diin na sabi ko.

“Dahil ba yun sa tumawag kanina. It’s a girl right? May ibang babae ka na?” Biglang nabasag ang boses ko.

“Mira, wala. There is no other girl. I just want to end this relationship. Ayaw ko ng maging boyfriend mo.” At siya pa ang may ganang magsabi niyan? Ano ba ang nagawa kong pagkakamali sa relasyon namin at nasasabi niya yan sa akin. He no longer wants to be my boyfriend? At ano ang rason niya?

“Napapagod na ako sa ganitong klaseng relasyon.” Dagdag pa niya. Biglang naningkit ang mga mata ko.

“Ano? Ano ulit ang sinabi mo?” Napatingin ako sa bread knife. Napatingin din siya sa bread knife na tinitingnan ko.

“I’m sorry. But I no longer want you to be my girlfriend…” Tapos tumayo na siya at kumuha ng wallet at nag iwan ng pambayad sa table. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makatayo. Ni hindi ko maiangat ang kamay ko para kunin ang bread knife na ipansasaksak ko sana kay gabriel.

Pabalik balik sa utak ko ang sinabi niya.

Napapagod na siyang maging boyfriend ko.

Napapagod na siya sa relasyon namin.

Ganun ganun na lang ba yun?

Nakakapagod ba akong mahalin?

Bakit ako hindi napagod na mahalin siya sa loob ng isang taon.

Did he fall out of love on the way?

Anong mali sa relasyon namin at nagkaganito kami? Hindi ko maintindihan. Hindi ko matanggap. Hindi kayang I digest ng sistema ko ang katotohanan na nagsayang lang kami ng walong taon para sa wala.

At hindi ko na din napigilan ang pag uunahan ng mga luha ko. 

That Mighty BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon