Chapter 14

282K 4.3K 610

14

Isang linggo na akong wala sa sarili. Ni hindi ko na nakcurl ang dulo ng buhok ko sa umaga. Ni ayaw kong isuot ng 6 inches stilleto ko kasi naalala ko siya. Akala ko hindi ako maapektuhan ng sobra sa pakikipagbreak ko kay Gab pero nagkakamali ako. Para akong namatayan. Parang kinakatay ang puso ko araw araw. Ang sakit pala.

Iniisip ko tuloy na baka mali ang naging desisyon ko. Pero hindi eh. Alam kong tama. Ayaw ko namang magpakasal sa kanya na puno ako ng doubts. Baka darating pa ang panahon na sisihin ko siya dahil sa mga pangarap ko na hindi naabot dahil sa pagpapakasal sa kanya.

Pero kung tama ang desisyon ko? Bakit ang lungkot lungkot ko?

Dahil ba nageexpect ako na susuyuin niya ako? Na hahabulin niya ako? Na makipagbati siya sa akin at iintindihin niya ako? Ang mga kaartehan ko? Yes. I was hoping for it.

Hoping that after 2-3 days, pag nalamigan na kaming dalawa, ay magbabati ulit kami. Pero hindi nangyari yun.

Hindi ko na siya nakita simula nun. I tried calling his phone using a different number kasi ayaw kong mahuli niya na tinatawagan ko siya pero hindi ko na macontact ang number niya. Para bang nawala na lang siya bigla sa mukha ng universe.

And now I missed him so much. I miss everything about him. Even his pomada and his language. Pati ata ang taxi niya namimiss ko na. At nakakabaliw ang ganitong pakiramdam. Ako itong nakipagbreak pero parang ako pa ang sobrang naapektuhan sa break up namin.

Hindi naman ako ganito sa mga past boyfriends ko. Madali akong magmove on pero bakit kay Gab, parang hirap na hirap ako? Or baka ayaw ko lang talaga magmove on dahil ang pakikipagbreak ko sa kanya ay hindi naman talaga bukal  sa kalooban ko. Dahil aminin ko man o hindi, isa akong babae na kapag nakipaghamunan ng hiwalayan, nag eexpect na suyuin, na lambingin. Most of the time, dati gumagana yun sa akin. Pero bakit hindi yun ginawa ni Gab? Bakit hindi man lang niya ako sinuyo?

Kaya I am so frustrated for the whole week. Kaya para kahit papaano mawala ang frustration ko, araw araw akong pumupunta ng mall. Kesa naman magmukmok ako sa bahay at alalahanin si Gab. Ang kaso, pag nasa mall ako, naalala ko pa din siya. Lalo na kapag dumadaan ako sa lugar na napuntahan namin. At ang mas malala, lahat ng taxi, feeling ko siya ang driver. In fact, naging sobrang bait ko na sa mga taxi driver at palagi akong nagbibigay ng sobrang bayad.

“Miss ikaw na ang susunod.” Puna sa akin ng babaeng nakasunod sa akin sa pilahan ng taxi. Hindi ko napansin na ako na pala. Masyado na naman akong preoccupied sa kakaisip kay Gab. Naglakad ako ng kunti at wala sa sariling sumakay sa likod ng taxi.

“Hayss..” Sabi ko pa sabay buntong hininga ng malalim. At sa pagbuntong hininga ko na yun biglang naalerto ang pang amoy ko and my eyes directed landed on the driver of the taxi.  Ilang beses ko pa siyang inaninag habang nagdadrive bago ako nakapagsalita.

“Gab!” Buong excited na sabi ko. Kung wala lang ako sa backseat baka nayakap ko na siya. Pero nawala ang enthusiasm ko nung nagsalita na siya.

“Saan ka Miss?” Kinurap ko ang mga mata ko. Di kaya namamalikmata lang ako? Tapos tiningnan ko ulit ang driver. Si Gab talaga! Pero bakit Miss ang tawag niya sa akin?

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!