Chapter 24

290K 4.9K 683

24.

Siguro tawa siya ng tawa sa mga pinaggagawa niya. Siguro habang nagpapakatanga ako, he is laughing his ass off.

While I am helplessly falling for him, he is helplessly laughing his heart out. Siguro nga pinagsasabi pa niya sa buong mundo na may isang tanga siyang nauto. My God! Baka nga may blog pa siya at doon kinukwento ang lahat ng katangahan ko. Bakit nga kasi ang dali kong nahulog sa kanya?

Pinahid ko ang luha ko na hindi ko napansin na tumulo na pala pero may tumulo ulit. Naiirita ako. Why can’t my tears stopped? Bakit hindi ko kayang kontrolin katulad ng hindi ko kayang kontrolin ang nararamdaman ko kay Gab?

Nag stay pa ako sa CR na yun ng ilang minuto pa para mas kalmahin ang sarili ko. Kahit na durog na durog na ang puso ko ayaw kong ipakita sa lahat na ganito ako kamiserable. Ayaw kong kaawaan ako. Pagkalabas ko sa cubicle na yun naghilamos ako at nagretouch. Then I practiced smiling without grimacing.

Nung nakuntento na ako sa itsura ko at sa ngiti ko, lumabas na ako ng CR. And I keep telling myself that I’ll be fine. Yes, I’ll be fine. Hindi ang klase ni Gabriel ang magpapabagsak sa akin. So what if he is handsome? So what if he’s rich? He is still an asshole.

At dahil dyan lalong nadagdagan ang galit na unti unting tumutubo sa puso ko.  Dahil wala siyang karapatan na gawin sa akin ang ginawa niya.

Nag uusok ang ilong ko habang naglalakad ako papuntang elevator para umakyat sa floor namin. Pero kung minamalas ka nga naman. Dahil pagbukas ng elevator, pagmumukha ni Gabriel ang nakita ko. Kasama niya si Sir Ralph, yung Michael, at ang isa pang lalaki na hindi ko kilala. Tumatawa sila habang nag uusap.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Gab at our gazes lingered. Wala akong pakialam kung anong klaseng titig ang binibigay niya sa akin pero ang sa akin, alam kong galit ang nakikita niya sa mga mata ko.

“Mira…” Sabi niya nung magkaharap na kami. Nakita ko pa na napangiti ang tatlo niyang kasama. Mas lalong nag init ang ulo ko. I am sure na kinukwento niya sa mga ito ang lahat ng nangyari sa amin and their smiled tells me that they knew something.

Kiss and tell ang walanghiya. Kunsabagay, nakakaamuse nga naman talaga ang katangahan ko.

“Can we talk?” Sabi pa niya. Ngumiti ako sa kanya ng pilit tapos lumipad ang kamay ko papunta sa pisngi niya.

Narinig ko ang singhap ng mga nakakita sa amin kasabay ng sakit na naramdaman ko sa mga palad ko. My hand sting but I felt the satisfaction nung nakita kong nagmark ang kamay ko sa pisngi niya. Hindi pa nga ata siya nakakarecover kasi nakatagilid pa ang mukha niya.

“What the heck Mira…” Sabi pa niya nung nakarecover siya.

“Wala lang. Trip trip lang. Di ba ako pinagtripan mo din?” Sagad hanggang bituka na pagkabitter na sabi ko tapos nilagpasan ko na sila at pumasok sa elevator. Pagkapasok ko, nanginginig ang buong katawan ko. Mauupo na sana ako sa sahig ng elevator nung bumukas ulit ito at pumasok siya. Tiningnan ko siya ng masama at tiningnan niya din ako ng masama.

Eh di mabuti! Magtinginan kami ng masama, maunang mamatay, talo.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!