Chapter 22

278K 4K 390

22

Ilang saglit pagkalabas ni Gab, may pumasok na dalawang babae. Yung isa nakawhite coat pa. Inalis muna nila ako sa shower, binihisan at dinala sa kwarto. Then they are telling me things and making me drink something. Blur na ang lahat sa akin at pagkagising ko halos hindi ko na maalala ang lahat.

Pero pakiramdam ko ang lungkot lungkot ko. Pakiramdam ko nag iisa ako sa mundo. At hindi ko maiintindihan ang nangyayari sa akin. Nalasing lang naman ako kagabi, hindi naman ako namatayan. Well, namatayan nga naman ako. Namatay ang puso ko.

At dahil nga sa malungkot ako, tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Tiningnan ko ang loob ng condo at napahanga ako. Halatang lalaki ang may ari pero hindi maikakaila ang karangyaan na nagsusumigaw sa buong condo.

“She won’t remember everything when she wakes up and she may feel a little bit down at the moment. It’s the effect of the drug. But aside from that, she’ll be okay. We’ll send the result of the test to the police station.” Narinig kong sabi ng isang babae sa mga bandang kitchen. Hindi ko nakikita kong sino ang kausap niya.

“Thank you Doc.” Narinig kong sabi ng isang lalaki. Aalis na sana ako at babalik sa kwarto nung lumabas yung dalawang nag uusap at agad akong nakita.

“Oh, she’s awake.” Sabi nung babae at agad na lumapit sa akin.

“Hello, I’m Dra. Mendoza. I’m the one who took care of you last night. Come, let’s have lunch.” At dahil sa sinabi niya napatingin ako bigla sa labas ng glass wall. Indeed, it is already noontime. Ang liwanag na sa taas.

“That guy is Michael. He owns this place.” Sumunod ako sa kanila papunta sa dining room kung saan sila nanggaling. May isang babaeng nagliligpit ng mga pinagkainan nila and I assume that she must be the hired help. Naupo ako sa dining chair at pinagsilbihan ako ng katulong.

Then while I’m eating, the doctor explained what happened to me. Agad na kumulo ang dugo ko kay Juan. Akala ko pa naman pwede na siyang maging panakip butas. Pagnagkataon pala na rape na ako.

“Don’t worry he’s in jail now. Gab is making sure of it.” Dagdag ni Michael. Bigla namang bumilis ang heartbeat ko by the mere mention of Gabriel’s name.

Pero hindi ako nagsalita. Yumuko lang ako which I don’t usually do because I always wanted to have the last word. Pero sa ngayon, epekto siguro ng gamot kaya hindi ko nakuhang magsalita.

 “Anyway, I’ll be going now, at may mga pasyente pa ako. Just rest Mira and you’ll be back to normal in no time.” Sabi ni Dra. sabay tayo. Tumayo na din si Michael at hinatid yung doctor sa may pinto.

“Mira, I’ll be going too. I’ll attend some business. Anyway, kasama mo naman si Ate.” Sabi ni Mike pagbalik niya.

“Pwede na ba akong umuwi?” Kasi ano naman ang gagawin ko dito kasama ang katulong? Hindi ko naman bahay to.

“I cannot decide on that because you are not my guest. You are Gab’s guest so basically sa kanya ka dapat magpaalam. He will come here later.” Tapos iniwan na niya ako. Ni hindi ko nagawang magprotesta.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!