Chapter 4

313K 4.6K 1.1K

4

Hanggang langit ang ngiti ko habang magkasabay kaming naglalakad sa mall. Tinodo ko pa ang poise ko habang nakahawak sa braso niya. And since hindi naman siya nagreklamo nung hinawakan ko ang braso niya, tinodo ko na, umabrisyete na ako sa kanya. And I’m so proud to be walking beside him. Dahil hindi lang ang mga babae ang napapatingin with envy in their eyes but also gays, matronas, mothers, babies and even guys. Nakikita ko na kung gaano kami kabagay na dalawa.

Pakiramdam ko artista ang kasama ko pwera nga lang pag nasa taxi kami. Napaismid ako sa naisip. Kung pwede nga lang nakawin ang taxi sign sa taas ng sasakyan at burahin ang pangalan ng taxi sa body ginawa ko na. Haler nakakahiya kaya! Kanina nga nung pinapark niya ang taxi sa parking, parang gusto kong magtago sa passenger set para hindi ako makita ng ibang tao. Pero ngayon…masaya na kami kasi wala nakakaalam na nakikipagdate ako sa isang taxi driver.

And besides, sino ang mag aakala na taxi driver si Gab? With his looks, built and charm, walang makakaisip na ganun. Kahit nga lang simpleng shirt lang ang suot niya katulad ngayon, lutang na lutang pa din ang kapogian niya.

Ang isa pang nakakatuwa, napakapatient niya sa paghihintay sa akin habang namimili ako ng bag, shoes at mga damit.

“Ma’am offline po kami ngayon.” Sabi nung cashier nung iniabot ko sa kanya ang debit card/atm card ko.

“What?” nanlaki ang mga mata ko. Hindi pa naman ako nagwithdraw kasi mas sosyal pag card ang ginamit mo.

“Sorry po Ma’am.” Sabi pa ng Cashier. Damn! Paano na to.

“Wait. Magwiwithdraw lang ako. I’ll be back.” Tumango lang ang Cashier pero bago pa ako makaalis may humawak na sa braso ko at napatingin ako kay Gabriel.  Nakita kong natulala din ang Cashier pati ang bagger at ang ibang pumipili para magbayad.

“Ako na ang magbabayad sa mga pinamili niya. Magkano ang aking babayaran?” Napanganga ako hindi dahil sa siya ang magbabayad kundi dahil sa tagalog niya. Natulala pa din ang Cashier kung hindi lang siya siniko ng bagger.

“Ahhh ahhhmmmm…3,900 po S-sir.” May halong tili nung sinabi yun ng Cashier. I just rolled my eyes.

“Really Gab, you don’t have to. Magwiwithdraw ako.” At tsaka baka wala ka ng pang boundary sisisihin mo pa ako.  Pero siyempre hindi ko na sinabi yun.

“Para hindi na natin sila maabala.” At dahil mapilit siya wala na akong magagawa. Nagpupumilit eh. Or baka nagpapaimpress.

Nakita kong kinuha niya ang wallet niya sa bulsa ng pantalon niya. Napanganga ako kasi ang kapal. Grabe! At lalo akong napanganga nung nilabas na niya ang pera niya na puros tig bebente. What the hell!

At yun nga, nagsimula na silang magbilangan ng Cashier ng tigbebenta hanggang sa mabayaran ang 3900. Nagpapasalamat na lang ako na wala na ang tig lilimang pisong buo ngayon, pero hindi na ako magtataka kung may naitago pang ganun si Gab. At mas lalo akong nagpapasalamat na hindi barya na tigpipiso ang dala niya.

At kugn ako inip na inip sa bilangan, yung mga nakapila mukhang aliw na aliw na nakangiti pa. Pati ang Cashier, para bang ang pagbibilang ng tigbebente ang pinakamasayang gawain sa mundo.

“Ang galing niyo naman Sir. Ang dami niyong twenty pesos.” Puna pa ng Cashier nung pinapunch na niya ang bayad. Masyadong obvious na pinapatagal niya ang transaction.

“Ayaw ko kasing inaabala ang ibang tao sa paghihintay ng sukli ko.” Sagot naman ni Gab.

“Sana lahat ng customer katulad mo Sir.” Napaismid ako. Anog katulad? Kasing gwapo?

Ngumiti naman si Gabriel na muntik ng himatayin ang Cashier.

“Thank you Sir. Come again.” Sabi ng Cashier pagkatapos ng transaction na ayaw nitong tapusin. And take note, kay Gabriel lang siya nagthank you. Ako ang namili di ba? Bakit kay Gab siya nagpapasalamat. Talaga naman.

At dahil sa inis ko, hinawakan ko ulit ang braso ni Gabriel at pinandilatan ang mga nanonood sa amin lalo na ang Cashier bago kami umalis. Kulang na lang magbelat ako sa kanilang lahat.

 Siya na din ang nagbitbit ng lahat ng pinamili ko. Saan ka pa makakakita ng lalaking ganyan? Kaya kahit na taxi driver siya, go na to! Nababago naman ang career, pero minsanan lang talaga dadating sa buhay ng isang babae ang makakakilala ng lalaking katulad ni Gabriel na hindi bakla, hindi magpapari at hindi taken. As in bihirang bihira.

Napatingin ako sa kanya at napatingin din siya sa akin at ngumiti with his shining hair na puno ng gel.

“Hindi naman madami ang gel sa inyo ano?” Sabi ko.

“Hindi naman. Yung abuelo ko kasi palaging bumibili ng pomada.” What? Ano daw? Abuelo? Pomada.

“What is Pomada Gab?” Sabi ko sabay sandal sa matipuno niyang braso and I smell his scent. Shucks! Ba’t ang swabe naman ng amoy ng lalaking ito? Parang ang sarap singhot singhutin. Parang baby. Nakakaadik. 

“Ahhh… yung nilalagay sa buhok.” Nakita ko ang pamumula niya. Awwww so cute.  Sarap kurutin ng pisngi.  Napatingala ako sa kanya at siya naman umiiwas ng tingin sa akin. Kulang na nga lang maglambitin ako sa kanya.

“Okay. Bakit nga pala ang dami mong twenty pesos bill?” Tiningnan lang niya ako saglit.

“Para palaging handa at hindi na maghihintay ng sukli. Saan mo gustong maghapunan?” Hindi ko pinansin ang tanong niya. Tapos naalala ko pa ang mighty bond na dala niya. So ugali na talaga niya ang pagiging boyscout.

“Gusto mo ng palaging handa ka? Ibig sabihin ngayon may dala kang condom?”  Walang prenong tanong ko. Bigla siyang napatigil sa paglalakad at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin then namula lalo ang pisngi niya.

“Mira…”

“Just kidding. You are so cute! Ang sarap mong I kiss.” Ngiti ngiting sabi ko pa pero hindi nakaligtas sa akin ang pagkawala ng pamumula niya. Bigla na lang siyang namutla.

Napanganga ako.

What is wrong with him? Wala namang mali sa sinabi ko di ba? Anong masama kung hahalikan ko siya? I like him and I know that helikes me too.

He likes me nga ba?

Or baka ginagawa lang niya akong front.

Don’t tell me na kafederasyon siya!

Dahil pagnagkataoon, hahalayin ko siya hanggang sa maging lalaki siya.   

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!