Chapter 13

291K 4K 397

13.

“Blooming ka ata Mira?” Puna ng isang officemate ko sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa office. I flipped my hair and smiled at her.

“Siyempre! In love.” Tapos naglakad na ako diretso sa table ko pero hindi pa rin naalis ang ngiti sa mga labi ko. Ahhh.. this is life! Having an irresistible boyfriend and a boyfriend who can’t resist  you.

“Alam mo Mira ang swerte mo dyan sa boyfriend mo! Wala bang kapatid yan? O kaya pinsan?” Tanong sa akin nung katabi ko sa upuan na si Gladys. Napaisip naman ako sa tanong niya. OO nga ano? May kapatid ba si Gab? O Pinsan? Then I realized… Shucks! I don’t even know his family name! I mentally take note to ask him next time kung ano ang apelyido niya.

“Wala na. Nag iisa lang siya sa mundo.” Mayabang ko pang sabi. As if naman makakakita sila ng katulad ni Gab ko.

“Yayain mo na agad pakasal girl. Para wala ng kawala.” Napangiwi ako sa sinabi niya at naalala ang singsing na nilaghay ko sa bag ko. Kapag kasama ko lang si Gab ko iyon isinusuot. Ayaw kong ipakita sa iba kasi ayaw kong pati sila ay magppressure sa akin.

But seriously, I really need to talk to Gab dahil habang tumatagal, lumalapit na yung isang buwan na sinasabi niya. Bakit ba kasi ganun siya kung magdecide? Madalian!

“Ano ka ba! Why the hurry? Darating din kami doon. Ang bata bata ko pa.” Hindi na siya nagsalita sa sinabi ko kasi dumaan ang Section Manager namin. Baka mahuli kaming nagtsitsismisan. Malapit ng mag lunch  nung nagtext si  Gab sa akin na hindi niya ako masusundo ngayong araw kasi umuwi daw siya ng probinsiya nila. Pero ang nakakawindang sa  tinext niya ay ito.

‘Sinabi ko na kay Lola, na magpapakasal na tayo. At ipapakilala kita sa kanila pagbalik ko ng Maynila.’

What the!

Nagdecide siyang mag isa? Naniningkit ang mga mata ko nung nag reply ako sa kanya.

‘Gabriel, we really need to talk when you get back.’ Then I press send. Hindi na siya nagreply sa text ko at hinayaan ko na lang kasi baka nagdrive. Mabangga pa niya ang taxi niya, magbabayad pa siya sa operator.

Hindi na siya nagtext hanggang sa mag uwian kaya laking gulat ko nung makita ko ang taxi niya sa harap ng building. Mabuti na lang talaga wala ulit akong kasama ngayon. Sumakay agad ako sa taxi niya.

“ I thought umuwi ka ng province?” Bungad ko sa kanya nung nagdadrive na siya.

“Lumisan agad ako kasi di ba ibig mo akong makausap?” Tumango tango ako.

“Ang lapit lang naman pala ng province niyo.” Puna ko. Baka sa Bulacan lang siya kasi ang bilis niyang makabalik. Dinala niya ulit ako sa isang resto na medyo tahimik at doon kami kumain. Seriously, ang laki pala ng kita ng taxi driver ano? Kasi imagine, palagi kaming nagdidinner sa labas at hindi sa kung saan saang fastfood o turo turo lang kami kumakain. Siguro nga kapag pogi ang driver madaming sumasakay.

“Mira, tinatanong ng abuela ko kung kelan ka daw pwede para sa sukatan ng iyong trahe de boda.” Napatingin ako bigla sa kanya. Ano daw? Ano yung trahe de boda?

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!