Chapter 15

282K 4K 490

15.

Akala niya siguro, dahil sa gusto na niyang magmove, eh makakapayag na ako. No way! Hindi talaga ako makakapayag. Hindi ko hahayaang magmove on siya.

Puno ng determinasyon ang pagkatao ko nung pumasok ako ng elevator paakyat sa floor ng Department namin. Kaya siguro napaaga ako ng dating.  Isasara ko na sana ang elevator nung may pumigil dito.

“Wait.” Pinindot ko naman ang hold button para hintayin ang sasakay. Pero napanganga ako nung may pumasok na isang mestisang babae na naka Filipiniana attire. As in katulad ng damit ni Imelda Marcos na may puff pa sa sleeves. Infairness naman sa gown, ang ganda pero ang awkward lang na pupunta ka sa isang opisina na nakaganyan. Like duh! May SONA ba dito sa tower ngayon?

Napatingin ako sa suot niyang shoes at muntik na akong mapatawa nung nakita ko siyang nakabakya. Ano ang trip ng babaeng to? Tiningnan ko ang itsura ng girl. Infairness, hindi naman siya mukhang tanga. In fact, bagay sa kanya ang damit dahil matangkad siya at mestiza. Makinis pa ang balat. Pero what with the costume? Ano ngayon, linggo ng wika? Hay naku, ang weird talaga ng mga tao ngayon.

“Magandang umaga.” Mahinhin at mahinang bati niya na may kasamang tipid na ngiti. Muntik na akong mapahagalpak ng tawa.

“Magandang umaga din.” Tipid din na ngiti ko sabay flip ng copper brown hair ko na ngayon ay kinulot ko na sa dulo.

“Dito ka nagtatrabaho?” Ahh friendly si Maria Clara.

“Yes.” Maarteng sabi ko.

“Ikaw? Saang santacruzan ka ‘teh? November na ah. ” Napatingin naman ang babae sa akin na nagtataka. Lihim akong umismid.

“What I mean is, what’s with the dress?” Alam kong mapanlait talaga akong tao at isa ito sa mga araw na hidni ko mapigilan ang isip at bibig ko.

“Maganda ba?” Tanong pa niya. Tumaas naman ang isang kilay ko.

“Uhmmm Oo. Bagay sayo.” Which is totoo naman talagang bagay sa kanya. Hindi nga lang bagay sa panahon at sitwasyon. At hindi na din ako magtataka kung karwahe ang sinakyan niya papunta dito sa tower.

“Salamat. Ito kasi ang pang araw araw kong kasuotan kapag lumalabas ng bahay.” Napamulagat ako sa sinabi  niya. She reminds me so so much of Gabriel. The way she speaks. Mabuti na lang at hindi nagbabarong si Gabriel araw araw. Mabuti na lang talaga. Ipagpapasalamat ko talaga yun sa Diyos.

“Pang araw araw? Are you freaking kidding me?” Hindi ko mapigilang maibulalas. God! Ano na ba ang nangyayari sa mundo? Bumabalik na ba kami sa era ni Dr. Jose Rizal? Or nag time travel ba ako?  

“Hindi. Pero kasi di ba, mas maganda kung tinatangkilik natin ang sariling atin?” Oh c’mon! At muntik ko nang masabi ang whatever kung hindi lang bumukas ang elevator sa floor namin. Tiningnan ko ulit ang weird na babae bago lumabas ng elevator. Yung klase ng tingin na nagsasabi talaga na ang weird niya.  Pero mukha namang di siya apektado.

Nung makapasok na ako sa Department doon ko napatunayan na hindi ako nagtime travel. Napahinga naman ako ng malalim. Pumunta na ako sa table ko at nilagay ang mga gamit ko  tapos nakipagtsismisan na sa mga kaofficemate ko. At its confirmed na nasa present pa ako kasi ang trending sa twitter ang pinag uusapan nila. At wala namang twitter nung time ni Rizal di ba?

Nung malapit ng maglunch, sinubukan kong tawagan ang cellphone ni Gab gamit ang extra sim ko na hindi niya alam. At nagulat pa ako nung nagring ito, yun nga lang, hidni niya sinasagot. Pero mas mabuti na yun kaysa sa out of coverage ang phone niya. Ibig sabihin, hindi niya talaga tinuloy ang pagpapakamatay sa Mount Everest. So ibig din bang sabihin, desidido na siyang magmove on?

Hindi! Hindi talaga pwede.

Sumama ako sa mga officemate kong maglunch at nag fastfood kami. May choice pa ba kami? Yun lang naman ang medyo mura dito na malapit sa building namin. And besides, nakakasawa na ang pagkain sa cafeteria. Like paulit ulit lang na matabang na sinigang ang pinakamasarap. What the heck di ba? At least sa fastfood, madaming cholesterol na nakakakanser.

Pabalik na kami sa office nung naihi ako kaya pinauna ko na ang mga kasamahan kong sumakay sa elevator na pumunta na ako sa CR sa may lobby na supposedly ay para sa mga guest lang ng tower. Pero dahil nga super maganda ako, hindi na nagreklamo ang maintenance isang ngiti ko lang.

I heaved a sigh of relief pagkatapos kong umihi. Like, it’s so nakakrelieved ng feeling. Pero nagulat ako paglabas ko ng cubicle nakita ko ulit ang babaeng Maria Clara.

“Ohhh, It’s you again.” Sabi ko ba habang naghuhugas ng kamay sa may sink katabi niya.

“Nagkita ulit tayo.” Sabi pa niya. “Sige mauna na ako, hinihintay na ako ng fiance ko.” Napataas ng perfect-shaped kilay ko. May fiance siya? Na-curious naman agad ako at dali daling tinapos ang paghuhugas ko ng kamay at agad din lumabas ng powder room. Pagklabas ko ng powder room nakita ko si Maria Clara, at talagang Maria Clara na ang tawag ko kanya. Anyway, nakita ko siyang papunta sa lalaking nakatalikod. And the back of the guy waiting for her is awfully familiar.

“Pasensiya ka na kung pinaghintay kita ng matagal?” Malambing na sabi ni ‘Maria Clara’ sa lalaki. At napatigil ako at napatutop ng bibig nung marinig ko ang boses ng fiance kamo niya.

“Hindi naman matagal at wala yun.” Tumingin pa saglit ang lalaki kay ‘Maria Clara’ Ni hindi gumalaw ang nakapomadang buhok niya nung lumingon siya sa babae. Ako naman napatulala sa kanilang dalawa at nakafocus lang ang tingin ko sa lalaki. Hindi ako makapaniwala. Si Gab? At si Maria Clara?

At ang sinabi kanina ni Maria Clara, fiance niya si Gab?

No!

Cannot be!

Hindi maaari ito.

“Gab!” Biglang sigaw ko nung akma na silang aalis ni ‘Maria Clara’. Parang nakakita ako ng scene mula sa Noli Me Tangere. Si Crisostomo Ibarra at si Maria Clara. At ako? Sino ako sa nobela?

SI Sisa?

Siguro nga si Sisa kasi parang mababaliw ako sa nararamdaman ko ngayon. Nababalot ng panibugho ang damdamin ko.

“Gab!” Sigaw ko ulit ng medyo malakas. I saw him glanced my way pero agad din niyang inalis ang tingin niya. Hindi ba niya ako narinig? O nagbibingi-bingihan lang siya?

Ito na ba ang sinasabi niyang magmomove on siya?

Pinagpalit na ba niya agad  ako kay ‘Maria Clara’?

Agad agad?

Wala man lang bang 3-months rule?

Hindi ba yun uso nung kapanahunan ni Rizal?

Nung papalabas na sila ng building, gusto ko ng maglupasay. Lalo na nung hinawakan ni Gab ang likuran ng babae para alalayan ito. Napuno ng selos ang puso ko. 

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!