Chapter 40

218K 4.5K 630

40

“Go pink team!” Sigaw ng mga kasamahan ko. I took another step upward at humawak ng mabuti sa lubid. Nagro-rope climbing ako at kailangan kong manalo kung gusto kong manalo ang team namin.

Tumili ang mga kasamahan ko nung nasa taas na ako at pababa na sa kabila. Pero nung nasa baba na ako nagulat ako nung may biglang sumalo sa akin at hawak hawak ang bewang ko.

“Ahhh ang sweet ni Sir.” Napatingin ako sa humawak sa akin kahit na alam ko na kung sino basi sa amoy niya.

“Andito ka na?” Nagtataka pang tanong ko. Lunchtime pa lang ah!

Pero hindi niya ako sinagot. Instead tiningnan lang niya ako masama.

“Kumain ka na!” Sabi lang niya sabay walk out. Anong problema nun? Kakarating lang niya tapos tatarayn na niya ako. Agad agad?

Hinabol ko nga!

“Anong problema mo?” Sabi ko sabay hawak ng braso niya.

“Sinabi ko na sayong wag mong ipahamak ang sarili mo!” Mahinang sabi niya sa akin.

“Hindi mo naman yun sinabi ah. Sabi mo lang, wag akong tumalon sa putik.” Which is hindi ko naman ginawa. Nakita ko siyang ginulo ang buhok niya.

“Parehas lang yun! I just want you to take care. Sino pa ang pakakasalan ko kung may mangyaring masama sayo?” Sabi pa niya. Napanganga na lang ako. Paano ko pa masasabayan ang galit niya kung ganyan na ang mga sinasabi niya?

Kaya instead na makipagsagutan sa kanya, kumapit na lang ako sa braso niya habang naglalakad papunta sa restaurant ng resort. Ngiting ngiti pa ako dahil hindi ko na mapigilan ang kilig.

After ng lunch namin, niyaya na niya akong bumalik sa Maynila. Sumama naman ako kasi wala nang masyadong activity. Hinayaan na kaming gumala sa resort at maligo sa pool na nasa freezing point na ata ang lamig.

Pero kahit na nagbabyahe na kami pabalik ng Maynila hindi pa din niya ako masyadong pinapansin . Nakakunot pa ang noo niya. Pero hindi naman siya nagreklamo nung pinatigil ko siya sa bilihan ng fruits at mga pasalubong.

“Aanhin mo ang angkatutak na langka?” Tanong niya sa akin habang nilalagay ang mga pinamili ko likod ng sasakyan.

“Kakainin siyempre.” Kumunot ulit ang noo niya.

“Mauubos mo lahat yun?” Tanong niya ulit habang pinapaandar ang kotse. Ang sungit naman nito. Tusukin ko kaya ng langka ang noo niya. 

“Hindi. Pero natatakam ako.” Hindi na siya nagsalita pagkatapos. Hinayaan ko na lang siya kasi alam kong nag-aalala lang naman siya sa akin. Kaya tinulugan ko na lang ang init ng ulo ni Gabriel hanggang sa makarating kami sa Maynila. And besides, kailangan kong makabawi ng tulog kasi halos di ako nakatulog kagabi.

Pero nung nakarating na kami sa apartment at nilalagay na niya ang mga gamit ko sa living room hindi na ako nakatiis. 

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!